MA at PA
ni Rommel Placente
NANG magkita noong December last year sina Heart Evangelista at Marian Rivera sa 84th birthday celebration ng GMA executive na si Atty. Felipe L. Gozon ay nagkaayos sila. Natapos na ang hidwaan nila. At marami ang natuwa sa pagbabati ng dalawa.
Sa GMA Gala Night na ginanap noong July 20, 2024, sa Manila Marriott Hotel, Pasay City, ay muling nagkita sina Heart at Marian.
Sa Instagram Stories ng make-up artist na si Memay Francisco, nasa video ang dalawang Kapuso prime stars na magkatabi habang sila ay kinukunan ng picture.
Si Heart ay nakayapos sa bewang ni Marian, habang si Marian naman ay nakahawak sa bewang at braso ni Heart.
Sa panayam ng PEP.ph kay Heart, tinanong siya kung kamusta ang muli nilang pagkikita ni Marian. Ang sagot ni Heart, “I’m sure pati ikaw natutuwa. ‘Yun naman din.
“It just takes time. Pareho kaming nag-mature, we went through life.
“Actually, usually ganoon naman ‘yung conflict, eh.
“You’re just very alike, ‘di ba? So minsan, pati ‘yung mga nanonood, sila rin ‘yung mga ume-eme.
“But, I’m so happy we’re okay.”
Kuwento pa ni Heart, ang mga taong malalapit sa kanilang dalawa ang nagtulak sa kanila ni Marian para muling mag-usap at magkaayos.
Matagal na raw nakakausap ng kapatid ni Heart na si Camille si Marian, at ang asawa nitong si Dingdong Dantes dahil nagkakasama ang mga ito sa school activities ng kani-kanilang mga anak.
Aminado rin si Heart na maraming external factors kung bakit natagalan bago sila nagkaayos.
Sabi niya, “And you know, Marian and I, we’ve always liked each other. And it’s a true testament that, you know, we should always be supporting each other.
“Because real queens support each other.”
Dagdag pa ni Heart, “And you know, it’s a testament that it’s really the people around us that makes things bad.
“To begin with, we’ve always been okay. Mahal mo siya. Mahal mo ako.
“Ibig sabihin, okay kaming dalawa as individuals.
“And so, I guess, it’s just a matter of time,” aniya pa.
Tungkol pa rin kay Heart, nang mag-guest siya sa Fast Talk With Boy Abunda, napag-usapan nila ang health condition ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero.
Kumalat kasi last April 5, 2024 ang balita na na-stroke raw ang senador at isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.
Pahayag ni Heart tungkol sa kalusugan ni Sen. Chiz, “He’s very good. He’s super good now. He had an episode.
“It was an episode and it was a scary episode, but it was a wake-up call for all of us, to just really make sure that health is wealth.
“And now he’s doing very, very good, everything perfect.”
Kasunod nito, nabanggit ni Heart na parang hindi niya kayang mabuhay mag-isa kapag may nangyaring hindi maganda kay Chiz at iwan siya.
“If he goes, I go. You jump, I jump. I swear, ako na lang ang mauna! Hindi ko talaga kaya. Iiyak na naman ako. Hindi ko talaga kaya. Hindi talaga. Huwag naman,” ang emosyonal na sabi pa ng aktres.