Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Deadpool, Wolverine

Deadpool, Wolverine nakakuha ng R-16 rating

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BINIGYAN ng Restricted-16 (R-16) ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Deadpool/Wolverine na nagtatampok kina Ryan Reynolds at Hugh Jackman. Ang R-16 ay para lamang sa mga edad 16 pataas. 

Ito’y sa dahilang may mga eksenang hindi akma sa mga manonood na edad 15 pababa, tulad ng matitinding karahasan, madudugong eksena at ilang mga mapaminsalang imahen. Ito ayon na rin sa pagtaya ng MTRCB Board Members Bobby Andrews, Jose Alberto V, at Johnny Revilla.

Binigyang diin ng MTRCB na bagamat may komedya ang  pelikula, posibleng nakababahala sa mga batang manonood ang ilang maseselang eksena.

Binigyan din ng R-16 rating ang All My Friends Are Dead ng Pioneer Film nina MTRCB Board Members Andrews, Almira Muhlach, at JoAnn Bañaga. Anila, ang sekswal na nilalaman ng pelikula, katatakutan na hindi angkop sa mga bata at mga eksena ng karahasan ang dahilan ng R-16 rating.

Binigyan din R-16 rating ang pelikula ng Pinoyflix Films at Entertainment ProductionInc., na pinagbibidahan nina Alexa Ocampo, Jeffrey Santos, Rash Flores, at Lara Morena

Anang Board Members na sina Bañaga, Andrews, at Eloisa Matias, hindi angkop sa mga edad 15 at pababa ang ilang mararahas at madudugong eksena, paggamit ng armas, droga at pagpapakita ng malubhang pisikal na pananakit.

Pinaalalahanan naman ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na ang R-16 classification ay maaaring may mga maseselang pananaw sa tema, eksena, lengguwahe, karahasan, sekswal, horror, at droga na hindi angkop sa edad 15 pababa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …