Friday , November 15 2024
Basil Valdez Eddy Cobankiat Wilson Lee Flores

Condo ni Basil Valdez na ‘pinanirahan’ ng multo naitaboy ni Father Ferriols  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY kakaibang experience pala si Basil Valdez ukol sa mga multo. Minsan pa lang pinanirahan ng masasamang elemento ang kanyang unit kaya kinailangang ipa-exorcise.

Naibahagi ito ng OPM legend sa isang symposium kamakailan kaugnay ng  pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ng yumaong Father of Filipino Philosophy na si Fr. Roque J. Ferriols.

Pagbabahagi ni Prof Dr. Manuel Dy sa symposium na ginawa sa Ateneo de Manila University, “Basil Valdez once called for help, feeling spirits haunted his condo.”

At si Fr Ferriols ang tumugon sa panawagan ni Basil.

Anang propesor, nasa retreat nang panahong iyon si Fr. Ferriols subalit agad iyong nagtungo sa unit ni Basil para itaboy  ang masasamang elemento.

At nagtagumpay si Father Ferriols sa pagpapalayas sa mga multo o masasamang elemento.

Sa kabilang banda, inspirasyon si Father Ferriols ng mga estudyante at isa sa mga estudyanteng ito ang TV5/PLDT/Smart Communications, CEO Manny V. Pangilinan na nagbahagi rin ng magagandang kuwento sa ginanap na symposium, ang The Story of the Wheelwright: The Influence of Chinese Philosophy on the Thought of Fr. Roque Ferriols, SJ.

Ani MVP itinuring niyang hero si Fr. Ferriols at malaki ang pasasalamat niya rito.

For opening my eyes to the world around me and to the soul within me, Fr. Roque Ferriols is my Ateneo hero. His brilliant insights remain invaluable to me and my core beliefs,” ani MVP.

One hundred years old na sana ngayong 2024 ang itinuturing na pioneer ng Filipino Philosophy na si Father Ferriols na pumanaw noong August 15, 2021 sa edad 96.

Ang symposium ay co-organized by the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCI), na pinamumunuan ng presidente nitong si Dr. Cecilio K. Pedro (na nasa abroad) kaya ini-represent siya ni EVP Victor Lim. Binigyang pugay sa symposium ang pagiging inspirasyon ni Fr. Ferriols tulad ng ancient Chinese philosophers na si Chuang Tzu (Zhuangzi).

Ayon sa ilang nakakikilala kay Fr. Ferriols, ang rebolusyonaryong hakbang nito noong 1969 na magturo ng pilo­sopiya sa Filipino noong panahon na ang Ateneo ay pinangungunahan ng mga American Jesuit at ang mga klase ay nasa Ingles ay isang matapang na pampulitikang pagkilos.

At ang kanyang pagsasama-sama sa Eastern and Western philosophies, lalo na ang pagpapahalaga niya sa karunungan ng tao, ay nagpayaman sa kanyang mga turo ng pilosopiyang Filipino.

Gustong-gusto rin daw ni Fr. Ferriols ang musika, grabe ang paghanga nito sa Beatles, at ang kantang Let It Be na isa sa sa mga paborito ng pari.

Ang FFCCCIl bagamat isang business at civic organization ay sumusuporta rin sa pagpapaunlad ng kulturang Pinoy, tulad ng pagsuportang ginawa nito sa katatapos na The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED). 

Binigyang pagkilala rin nila ang ilang outstanding Filipino artists na may Chinese heritage tulad ni National Artist Ricky Lee, singer songwnter Jose Mari Chan and beauty queen/actress Michelle Dee.

Nakausap naman ng ilang members ng entertainment media sa naganap na pocket presscon sa Kamuning Bakery  si FFCCCI Public Information Committee Co-Chairman Eddy Cobankiat ng Eslite S-Acetyl Glutathione and Chairman Wilson Lee Flores.

Eddy Cobankiat Wilson Lee Flores

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …