Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gab Lagman Hyacinth Callado Wilbert Ross Bea Binene

Gab, Wilbert pa-wholesome na pagpapa-sexy iiwan muna

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MANAGEMENT decision na ‘wag munang gumawa na sexy movie at mag-concentrate sa university series sina Gab Lagman at Wilbert Ross.

Bago kasi malinya sa university series sina Gab at Wilbert, isa sila sa madalas mabigyan ng mga sexy project. Pero simula nang mag-click sila sa The Rain in Espana at Safe Skies Archer nagsunod-sunod na ang wholesome project nila.

Pero nilinaw kapwa nina Gab at Wilbert na okey pa rin naman silang magpa-sexy. At hindi nila isinasara ang pinto sa paggawa ng sexy projects lalo na kung maganda ang material.

Bula ang unang ginawang sexy movie ni Gab sa Vivamax, kasama si Ayana Misola.

Si Wilbert naman  ay nagbida sa High on Sex, Boy Bastos.

At nang magsimula ang University series sa first book nilang The Rain in España na isinulat ni Gwy Saludes at pinagbidahan nina Marco Gallo at Heaven Peralejo ipinareha na sa kanya si Hyacinth Callado.

Sa second book na Safe Skies Archer na pinagbidahan nina Jerome Ponce at Krissha Viaje ay kasama rin sina Gab at Wilbert. 

At dito sa third book na Chasing in the Wild sina Gab at Hyacinth naman ang bibida na kasama rin sina Marco, Heaven, Jerome, Krissha, Wilbert gayundin sina Bea Binene, Aubrey Caraan, Nicole Omillo, at Jairus Aquino. Idinirehe ito ni Thop Nazareno na mapapanood simula August 16 sa Viva One.

For now naman po, me and the management talked about this na we should focus on university series.

But, of course, we’re not closing the door to do movies like that. Pero as of now, we want to focus on being Sevi Camero,” ani Gab na role niya sa university series.

Sinabi naman ni Wilbert na, “Management mismo ‘yung nag-decide for me to stop nga sa Vivamax and mag-focus sa wholesome.

“Medyo relief kasi mayroong bigat. Hindi po talaga madali to do things like sex scenes, lalo na parang wholesome naman ako sa totoong buhay.

“Hindi po siya madali talaga. Nakakapagod siya sa katawan, sa utak. Dito po sa mga wholesome na project, medyo mas magaan na po siguro in terms sa work na ginagawa,”  dagdag  pa.

Mahigit sa 650 million na ang reads sa Wattpad ng The University Series ni Gwy at matapos ang matagumpay na adaptation ng The Rain in España at Safe Skies, Archer tiyak na sabik na ang fans sa ikatlong libro.

Ito nga ang Chasing in the Wild.

Si Thop ang direktor nitong ikatlo na direktor ng Edward na nagwagi ng Best Film sa Young Critics Circle Awards at TV5 series na Niña, Niño.

Sa kuwento, mapatutunayang  “opposites attract” nang makilala ni Sevi Camero, ang simple at kalog na engineering student at basketball team captain, si Elyse Ledezma, (Hyacinth) ang mayaman at spoiled na management student at cheerleader ng isang kalabang eskuwelahan.

Mula asaran, napunta sa friendly breakfast dates hanggang umabot sa limang taong relasyon na puno ng pagmamahal, susundan natin ang lahat ng tawa’t iyak at milestones ng kanilang pagsasama.

Pero sa pagtanda ng dalawa na magkasama, kakayanin ba ng kanilang pag-ibig ang mga realidad ng buhay?

Kasama rin sa Chasing in the Wild sina Dominic Ochoa at Angelu de Leon bilang mga magulang ni Elyse na sina Alfred Ledezma at Adriana Erin Ledezma, si Jairus   bilang si Shan na half-brother ni Elyse, si Wilbert bilang si Arkin na bestfriend ni Sevi.

Kasama ring magpapakulay ng buhay nina Elyse at Sevi sina Anjo Yllana, PJ Abellana, Yumi Garcia, at Keann Johnson. At siyempre, magbabalik ang buong Univerkada para suportahan ang love story nina Elyse at Sevi.

Pero bago natin subaybayan ang pagmamahalan nina Elyse at Sevi, silipin ang mga paghahanda ng team para makagawa ng isang kaabang-abang na series. Mula exclusive interivews hanggang mga “behind-the-scenes” ng acting workshop nila, cheerdance training, pictorial at marami pang iba.

Samahan sina Gab at Hyacinth sa kanilang paghahanda. Ang Let the Chase Begin ay isang special pre-season episode na ipalalabas sa August 2, 2024 exclusive sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …