Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
MUNTIK nang maulit ang pinsalang ginawa ng bagyong Ondoy dahil higit na mas maraming lugar ang apektado ng bagyong Carina partikular sa Metro Manila at ilang lugar sa Gitnang Luzon.
Kung noong bagyong Ondoy ay ‘di masyadong apektado ang Kalakhang Maynila, ang bagyong Carina ay rumagasa sa maraming lugar bagama’t kaunti lang ang casualties ay marami namang iniwan na pagbaha at maraming mga mamamayan ang dinala sa mga evacuation centers. Naging alerto ang mga LGUs, at talagang tumulong.
Noong nakalipas na araw ng Biyernes, binisita ni Pangulong BBM ang maraming lugar sa Metro Manila partikular sa Quezon City at doon ay direktang inatasan ng Pangulo ang pagsasagawa ng massive plan para sa masusing pag-aaral kung ano ang mga bagay na gawin para maibsan ang pinsalang dulot ng bagyo o sa panahon na walang tigil ang pagbuhos ng ulan.
Sabi ng Pangulo, isa lang ang bagyong Carina na sumalanta at maraming bagyo pa ang darating kaya dapat paghandaan.
Ayon sa Pangulo, noong nakaraang mga administrasyon ay may mga comprehensive plan na isinasagawa pero ‘di pa rin niya alam kung paano ang mas mainam na gagawin kaya kailangan talagang upuan kasama ang DPWH para sa panahon ng kanyang administrasyon ay mabawasan ang epekto ng mga super typhoon sa bansa dahil posibleng dalawang dekada pa ang pagsisikapan ng gobyerno bago makapagresolba para sa pagbabago.