Friday , November 15 2024
QC quezon city

15 QC public schools, klase hindi tuloy ngayong araw ng Lunes

KAHIT nakahanda na ang 143 public elementary at high school sa iQuezon City sa pagbubukas ng klase sa Lunes, 15 dito ang hindi matutuloy.

Ito ang ininahayag kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil sa nagdaang bagyong Carina.

Base sa Division Memorandum No. 778, Series of 2024, ayon kay Belmonte ang klase sa 15 public elementary at high school ay hindi matutuloy ngayong Lunes dahil sa masamang dulot ng bagyo na nakaapekto sa mga eskuwelahan.

Sinuspendi ang pagbubukas ng klase sa Sto. Cristo Elementary School, Balumbato Elementary School, Cong. Reynaldo Calalay Elementary School, Sinagtala Elementary School, San Francisco Elementary School, Dalupan Elementary School, Diosdado P. Macapagal Elementary School, Rosa L. Susano Elementary School, Odelco Elementary School, Josefa Jara Martinez High School, at Sta. Lucia High School.

Hindi matutuloy ang pagbubukas sa mga nabanggit na paaralan dahil kasalukuyang ginagamit bilang evacuation centers ang 15 paaralan.

Itinakda sa 1 Agosto, araw ng Huwebes ang pagbubukas ng 15 eskuwelahan.

Idinagdag ni Belmonte na ang Betty Go Belmonte Elementary School, Masambong Elementary School, Masambong High School, at Sergio Osmena Sr. High School ay kinakailangang kumpunuhin dahil may mga nasira sa ilang gusali ng paaralan kaya sa 5 Agosto, araw ng Lunes, mag-uumpisa ang klase.

“Magsasagawa ng Saturday classes ang mga paaralan para mapunuan ang nawalang araw,” ayon sa Alkalde.

Samanatala, tiniyak ni Belmonte sa QCitizens na matutuloy sa Lunes ang pagbubukas ng klase sa 84 public elementary at 59 public high school sa lungsod.

“Handang-handa na po ang ating mga paaralan para tanggapin ang mga estudyanteng magbabalik eskuwela sa Lunes,” ani Belmonte, na pinangunahan din ang Brigada Eskwela activities sa iba’t ibang paaralaan sa lungsod at namahagi ng 400,000 school supplies, at mga bag para sa mga estudyante.

Kamakailan, sa isinagawang paglulunsad ng Brigada Eskwela sa Commonwealth Elementary School at Bagong Silangan High School, na pinangunahan ng Alkalde, dumalo sina Department of Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara at Metro Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Romando Artes. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …