Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kobe Paras Kyline Alcantara

Kobe Paras nilinaw kaibigan lang si Kyline

HATAWAN
ni Ed de Leon

TINULDUKAN na ng basketball star na si Kobe Paras ang mga tsismis nang sabihin niyang ang totoo ay magkaibigan lang sila ni Kyline Alcantara. Hindi raw sila mag-syota kahit na nakikita silang HHWW sa kung saan-saan. 

Kung sa bagay ganyan naman ang mga kabataan ngayon mayroon nga magkaibigan lang pero basta nagkita ay naghahalikan eh. Hindi na uso iyong panahon ni Maria Clara na mahawakan lang sa dulo ng daliri ay kailangang pakasalan na ang babae.  Hindi na gaya noong araw na ipinagyayabang na basta nahawakan mo sa kamay. Ngayon nga kung saan-saan na hinahawakan ok lang eh. Sa Vivamax nga nagkakapatungan pa pero magkaibigan lang. Hindi ba mayroon pa nga nabuntis ng isang “kaibigan lang” tapos ay may anniversary pa ng kanilang friendship nga ba?

Hindi naman namin sinabing si Kyline iyon pero may isang female star nabuntis nagtago nanganak sa isang private hospital, at habang nanganganak ay binabantayan ng isang lalaki matapos na manganak pumirma ng waiver para makalabas agad ng  ospital at uuwi ng bahay sakay ng kotse ng lalaki, friends lang kaya sila talaga? Huwag magkaila dahil iyong isa kong kaibigang doctor na naka-duty noon sa ER ang siyang nag-assist sa panganganak.

Pero mabuti naman si Kobe at tinuldukan na niya ang tsismis kasi alam naman ng lahat na single na single si Kyline matapos niyang makipag-break doon kay Mavy Legaspi, at sinasabi nga ng iba, hindi naman alangan dahil kung titingnan mo naman ay mas poging ‘di hamak si Kobe kaysa kay Mavy.

Pero baka nga si Kyline hindi pa naman ready para tumalon sa isang bagong relasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …