Saturday , September 7 2024
Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya parurumihin at papapangitin dahil deglamorized talaga ang kailangang hitsura ng aktres sa pelikula.

At sa totoo lang sa ganda ni Marian, kahit parumihin o papangitin parang maganda pa rin siya, sa totoo lang.

Kaya nga aminado ang aktres na sobrang ingat na ingat sa kanya ang kanilang direktor na si Direk Kip Oebanda lalo sa mga buwis-buhay na eksena na first time lang niyang ginawa.

“Yes, first time kong ginawa at ayaw kong magpa-double. Kaya kapag uuwi ako pasa-pasa ako. Madali lang naman maalis ‘yun kaya okey lang sa akin,” kuwento ni Marian nang makahuntahan namin ito sa launching ng kanyang bagong endorsement, Nekocee Vitamin C na ‘ika nga ng aktres ay timing na timing dahil malaking naitutulong sa kanya para laging on the go at maiwasan ang pagkakasakit.

Ang ganda ng gusto nilang mangyari na matulungan ang mga taong hirap sa pagtulog,” panimula ni Marian ukol sa Nekocee Vitamin C. “Sa vitamins na ito sa isang capsule na ito mayroon nang 15 ingredients na vitamins.”

Sinabi pa ni Marian na ma-vitamins siyang tao. “Hindi puwedeng hindi eh. Sa trabahong ito ang pundasyon mo talaga ay bitamina.”

Natanong din si Marian ukol sa kung nabibilang pa ba nito ang mga ineendosong produkto dahil na rin sa dami. Natatawang sagot nito, “thank you Lord. Oo naman. Kapag naiisip ko nga ‘yan sinasabi ko, “Thank you Lord sa lahat ng blessings talaga. Sobrang grateful ako sa anumang nangyayari sa buhay ko at 40 this coming August.”

Magfo-40 na nga aktres sa Agosto at natanong din siya kung hindi ba niya naiisip na madaragdagan na naman ang edad niya. 

Okey lang, wala namang masama sa pagiging 40 tapos may dalawang anak pa ako.”

At sa pagiging 40 may mahihiling pa ba ang isang Marian?

Actually ang lahat naman ng ito ay ginagawa ko, and for sure ito rin ang sasabihin ni Dong (Dingdong Dantes, asawa niya) na para sa mga anak namin. Siguro bonus na lang para sa aming mag-asawa. Pero bilang isang magulang wala ka namang gusto at hangad mo sa mga anak mo na maging maganda ang buhay nila. 

“At personally parang nasagot na ‘yan ng Balota eh. Sa ginagawa ko in showbiz, soap opera, pelikula, parang hindi ako nabigyan ng chance na makalabas sa box ko o roon sa comfort zone ko. And dahil sa Balota nabigyan ako ng chance na ibigay baga sa akin ang hindi ko pa nagagawa.”

At ang nakae-excite sa kanyang pelikula, ani Marian, “No filter talaga. Kasi, hitsura, lines, lahat talaga raw. 

At hindi siya conscious sa pagiging deglamorized. “‘Yun nga ang gusto ko para something new naman for me. Gusto ko talaga na something na hindi ko pa nagagawa. So ito iyon, nagawa ng ‘Balota.’

Naibahagi rin ni Marian na nanghihinayang siya na hindi mapapanood ng mga anak niyang sina Zia at Sixto ang pelikula dahil hindi nga naman iyon akma sa mga bata.

“Kaya buti na lang may mga video or reel na ganito, kaya napapanood pa rin nila. Pero, hindi talaga puwede na mapanood nila. May mga word na first time kong sinabi.

“Unang eksena, ganoon agad. Eh, sabi pa ni Direk (Direk Kip), masyadong mabait. So, lumabas talaga ang pagiging Cavitena ko,” sabi pa ni Marian.

Samantala, puring-puri rin Marian ang may-ari ng NekoCee na si Kath Melendez.

“Everytime na nakikita ko si Miss Marian, nai-starstruck talaga ako. Natutulala ako sa kanya. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanya na pinagkatiwalaan niya kami, na tinanggap niya ang product namin.

“Alam naman natin si Miss Marian, na very professional siyang magtrabaho, na isinasapuso talaga niya ang work niya. Na kapag kaya talaga niya, ginagawa talaga niya.

“Kaya sobrang salamat sa pag-accept sa amin,” sabi pa ni Kath nang ipakilala niya si Marian bilang endorser ng kanyang produkto. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland ‘di nag-klik bilang sexy singer

HATAWANni Ed de Leon MANINIWALA ba kayong iyong komedyanteng si Boobsie Wonderland ay isang dating sexy singer? …

Teejay Marquez

Teejay mali ng diskarte, pagto-thong walang dating

HATAWANni Ed de Leon PARANG nagmumukha namang kawawa si Teejay Marquez, naghirap siyang nagpaganda ng katawan, …

MTRCB

PD 1986 ng MTRCB dapat amyendahan

HATAWANni Ed de Leon TINANONG ni Senador Jinggoy Estrada kung ano ang opinyon ng MTRCB (Movie and Television Review …

Tutop Romm Burlat

Direk Romm Burlat, mapansin na kaya ngayon sa Ani Ng Dangal awards?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TULOY-TULOY sa paggawa ng projects ang award-winning director na si …

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …