Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay nakatawid sila sa paggawa ng mainstream.  Si Quinn ay kasalukuyang napapanood sa Asawa ng Asawa Ko ng GMA samantalang si Christine ay sa show ni Willie Revillame sa TV5, ang Wil To Win

Pero bago pala nakapasok si Christine bilang co-host ni Willie ay dalawang beses siyang nag-audition.

Kuwento ni Christine sa media conference ng pelikula nila nina Quinn at Itan Rosales, ang Kaskasero na palabas na sa July 26 handog ng Vivamax at 3:16 Media Network, dalawang beses siyang nag-audition.

May istorya po kung paano ako napasok sa ‘Wil to Win,’” panimula ni Christine nang matanong ng kasamahang press ukol sa pagkapasok sa show ni Willie. “Dalawang beses akong nag-audition.

“’Yung una, may mga kasama rin ako na taga-Vivamax, but then, hindi ako nakapasok.

“Noong second time, hindi ko talaga inayawan. Nag-audition uli ako. Ang mga kasama ko naman noon, puro beauty queens.

“Natuwa po si siguro si Kuya Wil kasi hindi talaga ako nag-give up. Pumunta pa rin ako sa second audition.”

At doon siya nakitaan ni Willie na hindi siya basta sumusuko kaya naman binigyan siya ng pagkakataon ng host na makasama bilang co-host.

Sinabi ni Christine na malaki ang kanyang pasasalamat dahil kasama na siya sa game show ni Willie. Pero iginiit na hindi niya iiwan ang paggawa sa Vivamax kahit mayroon na siyang show sa TV5. 

Samantala, hindi naman maamin ng mga bida sa Kaskasero na malaki ang nagastos ng kanilang producer sa paggawa ng pelikula. Mga high-end car kasi ang ginamit dito tulad ng Muztang, GTR, SRT, Honda, BMW, at maraming-marami pang kotse na parang nasa isang car show sila talaga.

Aminado naman si Itan na excited siya sa pelikula. Aniya, “excited talaga ako kasi noong nabasa ko iyong script, mala-Paul Walker ‘yung character ko roon kaya super excited talaga ako.”

Sinabi rin ni Christine na bago sa kanila ang tema ng pelikula, car racing, kaya excited din siya bagamat nagda-drive siya eh hindi naman niya nasusubukan ang makipag-car race.

BMW, GTR yata ‘yung ginamit ko run. Pero actually, nag-offer ako na ako magpa-park ng mga ginamit na car para ma-try ko lang lahat,” natatawang pagbabahagi naman ni Quinn.

Sinabi rin ng tatlo na ingat na ingat sila sa paggamit ng mga mamahaling sasakyan dahil takot silang magasgasan ito.

“Itong movie namin na ‘Kaskasero,’ ngayon lang magkakaroon ng ganitong genre sa Vivamax na parang ang peg ay mala-‘Fast & Furious,’ may action po talaga na mapapanood dito, like ‘yung mga car racing.

“Para po akong si Paul Walker dito sa movie. Biro nga nila, dapat mas astig, kaya Paul Runner (at hindi lang Paul Walker) ang dapat na maging peg ko, hahaha,”natatawang sabi pa ng gwapong aktor.

Pagpapatuloy niya, “Ang kapartner ko po rito ay sina Christine Bermas at si Angela Morena. Sobrang gaan nila katrabaho, sobrang professional, sobrang bait, and sobrang welcoming nila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …