UMAASA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hihirit ang Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ng mga panjbagong batas sa lehislatura na may kaugnayan sa ekonomiya, kalusugan, edukasyon, at impraestruktura sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.
Kasama sa mga inaasahan ni Romualdez na tatalakayin ng Pangulo ang pagkakaisa ng bansa para na progreso at ang pagpapaabot ng mahalagang serbisyo sa mga mamamayan.
“I expect the President to introduce a new set of SONA priority bills. As in the previous SONAs, the House will prioritize these measures to ensure their swift passage,” ani Romualdez.
“We will work diligently to review, deliberate, and enact these proposed laws, recognizing their importance in advancing the President’s legislative agenda and addressing the critical needs of our nation,” anang speaker.
Aniya naipasa ng Kamara de Representantes ang 17 panukalang batas na hiniling ng Pangulo noong nakaraang SONA. Lima dito ay naging batas.
“Our commitment is to continue delivering timely and effective legislation that benefits all Filipinos,” ayon kay Romualdez. (GERRY BALDO)