Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennlyn Mercado Beautederm Rhea Tan

Jennylyn freelancer, walang offer sa ABS-CBN; Pinabilib si Rhea Tan sa pagiging simple

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Jennlyn Mercado na freelancer siya sa kasalukuyan at iginiit na walang offer ang ABS-CBN. Ginawa ng Kapuso Ultimate Star ang paglilinaw nang ilunsad siya bilang  bagong celebrity brand ambassador ng Beautederm Corporation ni Miss Rhea Anicoche-Tan.

Sa event nabanggit din ni Jennylyn na tapos na ang kanyang kontrata sa GMA 7 at under negotiation pa ito ng kanyang talent management.

Sinabi pa ni Jen na hindi totoong may alok sa kanya ang ABS-CBN lalo na ang kuwentong siya mismo ang nakipag-usap sa mga bossing ng network.

“Palagi naman akong Kapuso. Ang daming naghihintay ng sagot (paglipat o pananatili). Ako naman, 20 years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin,” giit ni Jen.

“Mayroon pa ring nego. Pero mabilis na lang po ‘yan. We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako,” dagdag pa ng magandang aktres.

“Basta ganito, kung gusto pa rin nila akong Kapuso, happy pa rin akong maging Kapuso. Wala pong offer sa ibang network,” wika pa ni Jen.

Nag-post din ang management ni Jen sa pamamagitan ni Kat Aguila, at sinabing, “To clarify. There was no offer from AB-CBN and we never offered Jen. We are talking about one of the most loyal artists of GMA. On her end, as long as the network still wants her, she will alway be there.”

So ayan sana ay malinaw na ang lahat.

Samantala, kabilang na ngayon sa mga A-lister brand ambassador ng Beautéderm si Jennylyn na matagal nang gustong kunin ng President and CEO ng kompanya na si Ms. Rei. Ang Cristaux Retinol (anti-aging), Cristaux Vitamin C (brightening), at Cristaux Hydra-Beauty (anti-acne) ang products na ineendoso ni Jen.

Ayon sa lady CEO, isa sa ikinokonsidera niya sa pagkuha ng mga bagong endorser ay ang attitude ng isang celebrity.

“Napansin ko, ang bait ni Jen. Sumasabay siya sa mga staff na kumakain. Tapos, bare face siya. Ay! Ako lang ‘yung naka-shades, ako lang ‘yung feeling!” natatawang pagbabahagi ni Ms. Rei.

“Tapos siya ay bareface, walang makeup. Humaharap sa mga tao, kumakain siya sa pantry kasama ‘yung mga staff.

“I did my research na napakabait niya talaga, at very good friend ko rin talaga si Tita Becky (Aguila, her manager),” sabi pa ng Beautederm president.

Bago ang paglulunsad kay Jennylyn, sabay na naglakad patungong stage ang dalawa habang kumakanta ng I Won’t Last A Day Without You ng Carpenters.

Sa kabilang banda, iba ang glow ni Ms Rheangayon na nagdiriwang ng 15 years sa skincare at wellness industry. Tampok sa kanyang speech ang timeless legacy ng kanyang brand na ineendoso ng top celebrities at influencers.

Nagpasalamat din si Ms Rei kay Jen, aniya, “I follow Jennylyn Mercado on Instagram. Some of her dear friends also told me before that she’s a nice person. Her star power and huge social media following will hopefully connect us to more consumers. Jennylyn embodies grace and beauty. 

“I welcome Jennylyn to Beautéderm family. I hope this partnership will inspire Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin.”

Sagot naman ng Kapuso actress, “Ms. Rhea Tan is an inspiration to everyone. She’s really good at what she does — business. People look up to her. People follow her. You know why? Because she’s authentic and sincere. She protects her brand and she values her consumers. I am very grateful for her trust and for the trust of her company. I believe in the products.”

Sinimulan ni Ms Rei ang kanyang negosyo noong 2009 sa halagang P3,500. Dahil sa kanyang dedikasyon at marketing power, naging isang malaking beauty brand ang Beautéderm, na may mga store sa malls.

Sa tanong kung ano ang kanyang pinakamalaking achievements, sagot niya, “I was able to change my resellers’, employees’, and scholars’ lives and will continue doing that.”

Formulated with high-quality ingredients, ang Cristaux Retinol (anti-aging), Cristaux Vitamin C (brightening), at Cristaux Hydra-Beauty (anti-acne) ay available sa Shopee, Lazada, TikTok, at Beautéderm stores nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …