MATABIL
ni John Fontanilla
MATAPOS manalo bilang Miss Eco International 1st Runner 2021 na ginanap sa Egypt, balak muling sumabak sa beauty pageant ang newest addition sa mga alaga ni Len Carillo ng 3:16 Media Networksna si Kelley Day.
Sa pagbabalik pageant ni Kelley, mas gusto nitong sumali sa Binibining Pilipinas next year at masungkit ang Binibining International Crown at mai-represent ang Pilipinas sa Miss Internationalpageant.
“I like Miss International crown if i join Binibining Pilipinas.
“Twenty seven na ako, sa Miss Universe walang age limit pero sa Binibining Pilipinas bale next year is my last.
“So I think i’ll prioritize Binibini (Binibining Pilipinas). Actually gusto ko rin ‘yung Binibini crown,” tsika ni Kelley nang makahuntahan namin ito isang gabi.
Sa Miss Universe Philippines balak mo
rin bang sumali, tanong namin. “Mahirap, I mean it’s really like you have to, now a days, you need a lot more time to commit.
“You need a lot of financial support with that. I mean you really have to be sure na your’re ready na,” sabi pa ng magandang dalaga.
Bukod sa pagbabalik-showbiz nito after mamahinga ng ilang taon dahil sa sakit ay handang-handa na itong tumanggap ng proyekto, mapa-pelikula o teleserye.
Masaya rin si Kelley na maging part ng 3: 16 Media Networks at Viva Talent Management at very thankful sa kanyang bagong manager na si Len.
Sa ngayon ay may mga pinag-uusapan na silang proyekto na nakatakdang gawin ngayong taon na kapag okey na okey na ay ibabalita ni Kelley sa mga susunod na araw.