Friday , November 22 2024

Sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga
POGO ‘TORTURE DEN’ VIDEO FOOTAGES INILABAS SA PAGDINIG NG KAMARA

071824 Hataw Frontpage

HABANG mainit ang galit ng mga mamamayan sa mga natuklasang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), inilabas ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pagdinig ng Kamara de Representantes ang mga video footages ng karumaldumal na torture sa mga empleyado nito.

Sa pagdinig ng House committee on public order and safety at ng committee on games and amusement, ipinakita ng mga opisyal ng PAOCC ang mga empleyado na nakatali o nakaposas habang pinagpapalo ng kahoy habang ang iba ay kinokoryente.

Ayon kay PAOCC spokesman, Dr. Winston Casio, ang mga dayuhang sinagip ng ahensiya ay mga Chinese at Malaysian nationals.

Ani Casio, ang mga video ay nakalap sa raid ng PAOCC sa Bamban, Tarlac at sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Laguna Rep. Dan Fernandez, chairman ng committee on public order and safety, mainam na ipalabas ang video upang maintindihan ng taongbayan ang nangyayari sa loob ng mga ilegal POGO.

“What are we trying to portray here is the evil of the illegal activities that has been perpetrated in our country. And it was not done by the Filipino but it was done by other foreigners in cahoots with Filipinos,” ani Fernandez.

Ani Fernandez “offending” ang mga video.

Ayon sa isang biktima, pinahirapan siya dahil hindi niya naabot ang nakatakdang quota.

Isang babaeng Chinese national na nagtangkang tumakas matapos pagbintangan na nagbibigay ng impormasyon sa labas hinggil sa kanilang operasyon ngunit nahuli kaya isinalang sa torture sa pamamagitan ng paghampas sa kanya ng matigas na bagay, pinagsasampal, at tinatadyakan ng isang lalaking Chinese national.

“Ang kaparusahan po talaga todo-todong bugbog at torture po,” ani Casio.

Ipinakita rin ang video ng mga biktimang kinokoryente habang sila ay nakatali sa bakal habang ang isang Malaysian national ay nakaposas, nakababa ang pantalon at nakabalot ang mukha na walang habas na pinagpapalo ng kahoy sa ulo, batok, at iba pang parte na katawan.

“Etong Malaysian na ito subject of rescue. Unfortunately, natagpuan siyang patay noong nakaraang taon. Malaysian po ito. Humingi sa atin ng tulong ang Malaysian Embassy pero hindi na po natin naabutan nang buhay po ‘yan,” ani Casio.

Hindi na inilabas pa ang ibang video na nakatakdang ipakita tulad ng sexual torture matapos harangin ni  Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Aniya maraming makapapanood ng video pati mga menor de edad. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …