Sunday , December 22 2024
Rampa Drag Club

Divine Divas at iba pang drag queens bongga at aliw ang performance sa RAMPA

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ALIW na aliw kami sa panonood sa mga drag queen na nagpe-perform sa RAMPA Club sa Quezon City.

Naimbitahan kami isang hapon (sa isang espesyal na pagtatanghal) para matunghayan kung gaano kagaganda at kagagaling mag-perform ang mga drag queen. Mapapatulala ka na lang talaga kung gaano sila kahuhusay, sa totoo lang.

Akala namin ay simpleng programa lang iyon na pangkaraniwan din naming napapanood. Pero nagkamali kami dahil talagang mula umpisa hanggang katapusan aliw na aliw kami at super pinalakpakan ang lahat ng mga nag-perform.

Sabi nga namin, magandang lugar iyon para magliwaliw, magsaya at makita ang kakaibang talento ng mga drag queen na to the highest level talaga mag-perform.

Mabuti na lamang at ipinaranas sa amin na makapanood ng kakaibang show ng mga may-ari ng RAMPA para ma-experience ang show. Salamat kina Tito Boy Abunda, RS Francisco, mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño, at ng Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Viñas Deluxe,sa pamamagitan ng PR manager nilang si Chuck Gomez.

Nagsama-sama sa event ang magagaling na draq queen para ibandera ang kanilang paandar na performances. Wala kang itulak-kabigin kina Zymba Ding, Felicia Ding, Salmo Nella, Sexy Wanda Mina, Poca, Katana, Khiendra, Neenja, Budalyn, at Bomba Ding sa napakahuhusay na performance.

Nagbigay-saya rin sa kanilang performance ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Viñas DeLuxe  sa kanilang Dreamgirls performance at sa bago nilang kanta na Oh, Divine Diva ng Star Music.

Ani Precious Paula Nicole sa nais nilang iwang legacy sa mundo ng drag, “Before, nabibili lang namin ang mga kailangan at gusto namin. Ngayon naman ay naibibigay namin ang opportunity sa queens na gustong pumasok sa industry ng drag na katulad namin. 

Na-inspire namin sila. We’re really grateful lang na may mga tao na nagtitiwala sa journey namin,”aniya pa.

Very happy kami kasi bukod sa nabago ang life namin, ang pinaka-importante is we changed the lives of these young queens. 

“Mayroon kaming almost 15 artists dito sa RAMPA na hino-hone at tine-train to be the best version of their artistry. Nagbago ang buhay namin pero ngayon ay mayroon din kaming iba pang binabago ang buhay,” sabi naman ni Brigiding, 

Tsika naman ni Viñas DeLuxe, “Super happy ako sa changes na nakikita ko sa new babies namin. Ngayon, ang gaganda na nila. Si Brigiding, nagpa-makeup tutorial siya. 

Kami po, kapag may rehearsals, itinuturo namin ang tamang pag-uugali backstage, sa stage, at sa customers. Pay it forward to the next generation of stars.”

Kaya sa mga friend, go na kayo sa RAMPA kung nais ninyong sumaya at kung may pinagdaraanan kayo dahil for sure malilimutan ninyo dahil sa mga super gagaling na performer.

Ang RAMPA ay matatagpuan sa 40 Eugenio

Lopez Drive, Diliman, QC. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …