Friday , November 22 2024
50th MMFF

Vic, Piolo, Vice movies pasok sa first batch ng 50th MMFF

MARICRIS VALDEZ

INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman na si Don Artes ang first batch ng mga pelikulang makakasali sa 50th MMFF na magsisimula sa December 25.

Ginanap kahapon ng hapon ang announcement  ng first batch sa Manila City Hall na dinaluhan nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, Manila Vice Mayor Yul Servo, MMFF Executive Committee head Boots Anson Roa-Rodrigo, at First Lady Liza Araneta Marcos na all-out ang ibinibigay na suporta sa entertainment industry.

Ang limang napiling pelikula ay base sa ipinadalang script ng mga producer at ibinandera sa nangyaring grand launch ng 50th MMFF na may temang Sine Sigla sa Singkwenta

Ang unang limang pelikula na maglalaban-laban sa ika-50 edisyon ng MMFF ay ang mga sumusunod: 

And The Bread Winner Is… starring Vice Ganda, Eugene Domingo and Maris Racal ng ABS-CBN Film Productions, Inc. at The Ideafirst Company. Ididirehe ito ni Jun Robles Lana;  

Green Bones  by GMA Pictures starring Sofia Pablo and Dennis Trillo directed by Sig Dulay

Strange Frequencies: Haunted Hospital by Reality MM Studios, INC., starring Jane de Leon, Enrique Gil, Alexa Miro and MJ Lastimosa. Ito’y mula sa direksiyon ni Kerein Go;

Himala Isang Musikal mula sa Kapitol Films/Unitel na pagbibidahan nina Aicelle Santos at Bituin Escalante na ididirehe ni Jose Lorenzo Pepe Diokno; at

The Kingdom ng ATP/Mzet and MQuest starring Vic Sotto and Piolo Pascual and directed by Michael Tuviera.

Ang event ay hosted nina Jake Ejercito at Isabelle Daza.

Sa mga magsusumite naman ng finished films, ang deadline rito at iba pang kinakailangang dokumento, kabilang ang opisyal na trailer, clippings at behind the scenes ay sa September 30.

Ang lima pang makakapasok sa Top 10 ay iaanunsyo sa October 15.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Face to Face Harapan 2

Face to Face: Harapan balik-telebisyon kasama si Ate Koring at mga kabarangay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS pinalapit sa puso ng masa ang pagbabalik ng iconic …

Juan Karlos Live

Juan Karlos ninenerbiyos habang papalapit ang konsiyerto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio   NAGHAHANDA na ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo para sa …

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …