Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Coco Martin Julia Montes 

Willie ibinuking relasyong Coco at Julia 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HALATANG walang malisyang nabitawan ni Willie Revillame ang ukol sa sinasabi ng netizens na pagbuking nito sa relasyong Coco Martin at Julia Montes gayundin sa umano’y mga anak nito.

Noong Linggo, sa debut ng programa ni Willie na Wil to Win sa TV5 na ginanap sa New Frontier Theater, pinasalamatan nito si Coco na bumati sa kanya sa pagkakaroon ng bagong programa sa pamamagitan ng video greet. Isa si Coco sa mga nagbigay ng video greet kay Willie.

Magkaibigan sina Willie at Coco na naging bisita nito noong Abril, Holyweek sa resort niya. Kasamang bumisita roon ni Coco sina John Estrada at Cherry Pie Picache.

Kaya hindi kataka-taka na isa si Coco sa nagbigay ng video greet kay Willie. At bilang pasasalamat, nasabi ni Willie na,  “Thank you very much Tanggol! Thank you Coco sa pagbati mo. I like your bangs ha,” pag-joke ni Willie.

“Sobrang bait itong si Coco Martin. Coco, to Julia, at sa mga mga anak niyo, pamilya mo, salamat Coco,” sabi pa ni Willie na tila hindi pansin na may naibuking siya.

“Noong time ng Holy Week magkasama tayo at sana dumating ‘yung time, igi-guest mo ako sa ‘Batang Quiapo.’ Bibigyan na kita ng jacket!” dagdag pa ni Willie. 

Bagamat nababalita ang ukol sa relasyon nina Coco at Julia, walang pag-amin pa ang dalawa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …