Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maris Racal Anthony Jennings

Maris sa loveteam nila ni Anthony na MaTho n— Sana magbunga pa, grabe ang pangarap namin

PROUD na proud si Maris Racal sa karakter na ginampanan niya sa Can’t Buy Me Love. Si Irene Tiu na itinuturing niyang nagbukas ng maraming opportunities at blessings.

Minahal si Maris ng masa nang gumanap bilang si Irene Tiu  at magbabalik sa spotlight  ang aktres sa kanyang lead role sa dark comedy film, Marupok AF.

“‘Yung pinaka-proud ako is ‘yung Irene Tiu. ‘Yun talaga ‘yung nag-open ng doors sa akin ngayon parang endless pa rin ‘yung blessings and thankful ako sa universe na patuloy pa rin ang blessings. Unexpected siya,” sabi ni Maris.

Noong 2014, sinimulan ni Maris ang kanyang journey sa entertainment industry bilang 2nd Big Winner ng Pinoy Big Brother: All In. Dito nagsimula ang kanyang career under Star Magic. Higit sa pagiging composer, singer, dancer, aktres, vlogger/content creator, endorser, at entrepreneur, minahal siya ng generation ngayon dahil sa unique na personality.

Pinasaya niya ang telebisyon sa kanyang mga acting roles gaya sa Hawak Kamay (2014), Maalala Mo Kaya, Ipaglaban Mo!, Oh My G!, at How to Move On in 30 Days (2022), at marami pang iba. Ang pagganap niya sa Here Comes the Groom ay nagbigay sa kanya ng nomination na Best Supporting Actress sa MMFF.

Nakaka-warm pa rin ng heart. Naalala ko ‘yung 16-year-old Maris na nagwa-wonder, ‘what’s coming for her?’. Now the older Maris seeing it, napatunayan mo talaga sarili mo. Ipinakita niya na kaya niya ang buhay showbiz,” pagbabahagi ni Maris habang inaalala ang kanyang career na tumagal ng sampung taon.

Mas lalong minahal siya ng mga manonood nang gumanap bilang Irene Tiu kasama ang on-screen partner na si Anthony Jennings.

Nang matanong tungkol sa loveteam niya with Anthony, o MaThon, sabi ni Maris, “Kami ni Anthony, grabe ‘yung mga pangarap namin. Sana after the movie na gawin namin, magbunga pa kasi we have that special rapport na hindi ko mami-mic with other people. Masarap siya katrabaho, ka-banter and kaeksena. Sana makagawa kami ng films na in 50 years, people will look back and will be in their Top 3 or Top 5, ‘yung classic ganoon. 

“Na-challenge ako kasi before Irene Tiu, Beanie was the first complex character that I played. Charming siya but she has very dark intentions towards people. Roon ako na-challenge, so I really prepared. Nanood ako ng films na like that to get into the zone.” sabi ni Maris tungkol sa preparations niya para sa kanyang lead role sa movie na  Marupok AF.

Nang matanong tungkol sa nature ng kanyang role, sinabi ni Maris: “Na-coconfuse ako sa feeling. Kasi if it’s fiction, masaya like na-enjoy ko siya. But we’re dealing with real events kasi, ang gray area ko roon ay I’m happy na natutuwa sila sa character ko, but ang gusto ko talaga ay i-symphathize nila ang victim.”

Dahil sa patuloy na commitment ni Maris sa kanyang career, marami pang milestones ang dapat abangan sa kanya. Isang patunay sa patuloy na pag-arangkada ng kanyang karera. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …