Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie imperial How to Slay a Nepo Baby

Barbie ibinahagi sikreto ng pagiging glow & blooming

KAPANSIN-PANSIN ang pagiging glowing, blooming ni Barbie Imperial nang dumalo ito sa media conference ng pelikulang How to Slay a Nepo Baby sa Viva Cafe kamakailan. Kaya naman ito ang napagtuunan ng pansin ng mga entertainment press.

Nang tanungin ang aktres ng dahilan ng pagiging glowing at maganda, sinabi nitong dahil sa work out.

“Madalas po akong mag-workout ngayon, mag-exercise, mag-tennis. 

“Lagi kong sinasabi. Maraming nagtatanong bakit ako pumayat. Ise-share ko lang po sa inyo. Baka makatulong.

“Tinanggal ko ‘yung rice pero pwede po kayo bumili ng Shirataki. Hindi ko po ito business. Para lang makatulong.

“Shirataki rice wala siyang masyadong sugar talaga. So ‘yun po ang ginagamit kong rice. Kahit na ano ang ulam basta ‘yun lang ang aking rice.

“Sugar kasi ‘yung nakaaapekto sa meal ko so, tinanggal ko. ‘Yun lang naman po,” nakangiting paliwanag nito at siyempre at saka sinabi ang pangalan ng skin care center na tumutulong para mapanatili pa at lalo pa siyang gumanda.

Nang i-google namin kung ano nga ba itong shirataki rice, sinasabing miracle rice ito na 97 percent water at three percent soluble fiber. Low-carb, low-calorie, at keto-friendly din ito.

Samantala, literal na slay ang mapapanood sa pagbabalik pelikula nina Sue Ramirez at Barbie Imperial kasama ang kanilang barkada. Panoorin ang grupo ng entitled rich kids na harapin ang bingit ng kamatayan sa, How To Slay A Nepo Baby na mapapanood sa mga sinehan sa July 31, 2024.

Isang grupo ng mayamang magkakaibigan ang babyahe pa-norte papuntang Sagada para mag-celebrate ng kanilang work anniversary. Sina Ada, ang “Queen Bee” at lider ng kanilang grupo; si J, isang influencer at boyfriend ni Ada; si Bella, isang model; ang kambal na sina Kel at Sho, na mula isang mayamang pamilya na may lahing Espanyol; at si Cass, ang pinakabagong miyembro ng kanilang grupo. Mga spoiled rich kids na mataas ang tingin sa mga sarili kahit na lahat ay umaasa naman sa yaman ng kanilang mga magulang. Mga “nepo baby” kung tawagin ng mga Gen Z sa panahon ngayon.  

Plano nilang magkaroon ng isang careless, carefree, at wild na gabi at magpapakalunod at magpapakalasing sa alak at bisyo. Pero nakabantay sa kanila si Yayo, kasambahay nina Cass, at pagbabawalan sila nito na gumawa ng kung anong kalokohan. Kakausapin naman nina Ada at Cass si Yayo sa pagiging kill joy nito, pero magiging matindi ang kanilang pagdidiskusyon at mauuwi sa kapahamakan ang buhay ni Yayo.

Pero laking gulat nina Ada and Cass nang makabalik sila sa kanilang mga kaibigan dahil naroon si Yayo, maayos, ni walang galos at parang walang nangyari.

Kukumbinsihin din ni Yayo ang grupo na magpunta sa liblib na lugar ng Lunti, isang tagong komunidad na pinamumunuan ng isang misteryosang babae na si Inayon. Sasalubong sa magkakaibigan ang mga hindi pangkaraniwang tradisyon at pamumuhay dito, isang lugar na nababalot ng dilim at kababalaghan, at puno ng mga bagay na hindi basta-basta maipaliwanag.

Sa pagtagal ng pamamalagi nila sa Lunti ay mas napapalapit sila sa panganib, at bawat segundo na naroon sila ay parang isang bangungot na hindi kayang takasan.

Mula ito sa Viva Films at Happy Infinite Productions, ang How To Slay A Nepo Baby ay pelikula ng FAMAS nominated screenwriter at multi-awarded director na si Rod Marmol. Bibida rin dito sina Phi Palmos, JC Galano, Charm Aranton, Chaye Mogg, Sue Prado, NAIA Ching, Ralph Gomez, Phi Gomez, at Coi Suazo. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …