Sunday , December 22 2024
Alyssa Muhlach

Alyssa Muhlach gustong maka-collab ang BINI

PAGKANTA ang first love ng beauty queen, aktres na si Alyssa Muhlach. Ito ang iginiit ng niya sa Star Magic Spotlight presscon na ginanap noong Hulyo 12, 2024, sa Coffee Project, Will Tower Mall, Quezon City.

“The job opportunities that were given to me, it really was acting. But if you were to ask me, based on what I love, I really love singing the most. If you were to tell me that I were to perform in the next hour, kayang-kaya ko po siya ng walang nerbiyos,” ani Alyssa.

Kaya naman nalungkot ito nang hindi siya nakapag-audition sa teatro na gustong-gusto rin niyang pasukin. 

“I really wanna be a part of a musical. I was thinking of auditioning for ‘One More Chance’,” aniya na nakaligtaan pala niya ang audition.

“I really want to, in the future. I have to be more attentive, I guess, to the audition dates,” sabi pa ni Alyssa.

“As of today, I can say na nagpaalam na ako sa pageantry. I think I’ve reached a point in my career where I really wanna focus on singing,” dagdag niya.

Nagsimula ang dalaga sa pageantry na naging representative ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericananoong 2018 sa Santa Cruz, Bolivia na naiuwi ang korona.

Napuri si Alyssa sa kanyang kahusayan at kompiyansa sa pagsagot sa mga tanong bagamat aminadong kinakabahan siya. Gayunman, nagbahagi siya ng tip para sa mga beauty queen,  “The moment tinawag na ‘yung number ko or my name, I will only look at the host or the judge, whoever is asking. You have to focus, this is your ride or die moment,” aniya.

Pinasok din ni Alyssa ang pag-arte na gumanap siya ng iba’t ibang roles, tulad ni Emilia sa Clarita(2019), Marcy Villareal sa Hellcome Home (2019), at ang pagganap niya teleseryeng Pamilya Ko(2020). Isa sa mga notable niyang projects to date and role niya bilang Jillian ‘Jill’ de Guzman sa ABS-CBN’ s 2 Good To Be True na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ukol naman sa singing career ni Alyssa, pinasok niya ang mundo ng music at inilabas ang kanyang unang single na  Paalam sa ilalim ng Tarsier Records noong Hunyo 28, 2024. Ito ay nagpapatunay ng pagiging versatile at pagiging dedicated sa pagpapatibay ng kanyang presensya sa industriya ng entertainment.

Inihayag din ni Alyssa ang mga dapat pang abangan sa kanya sa larangan ng musika bukod sa debut single niyang Paalam. “I would love to release more songs this year or maybe early next year, and for now ‘yun lang, ‘Paalam’ first. I really want everybody to have the chance to listen to Paalam because I really love the message also, that it really empowers women, to value their independence and self-worth.”

Ukol naman sa pinapangarap na kolaborasyon, binanggit ni Alyssa ang Nation’s Girl Group na BINI,“Right now talaga ang dream kong maka-collaborate is BINI. The success of BINI kasi awakened and renewed the love of Filipinos for OPM and PPop music. I’m sure everyone in the music industry will agree that na parang this is a renewing of love nga for OPM. So, I really wanna work with them. And they’re also all girls, parang ano siya, it’s aligned with the women empowerment message that I want to share to the world,” wika pa ni Alyssa.

Hindi maitatanggi ang ambisyon ni Alyssa sa parehong pag-arte at musika. Ang kanyang dedikasyon sa sining, kasabay ng kanyang talento, ay nakatitiyak ng mahaba at matagumpay na career. (Maricris Valdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …