SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang lakas ng tilian, hiyawan ng fans ng SB19at BINI. Hindi namin akalain na sila ang muling magpapapuno at magpapadagundong ng Big Dome na nangyari sa Nasa Atin Ang Panalo: Puregold’s Thanksgiving Concert noong Biyernes, July 12.
Hindi rin namin akalain na marami palang bagets na edad 4-10 ang umiidolo sa BINI. Ang nakatutuwa pa naka-kuntodo make-up at nakaayos din sila na katulad ng grupo. Kaya naman bukod sa pagtili, paghiyaw, may kasama pang pagpadyak nang tawagin ang grupo para sila na ang mag-perform saPuregold’s Thanskgiving Concert.
Napatunayan din na ang Puregold’s Thanksgiving Concert ay maituturing na music event of the year na mahirap sundan. Bukod kasi sa naglalakihang pangalan sa music industry, naging selebrasyon din iyon ng Original Pinoy Music (OPM), na tumatak sa Panalo stories mula sa likod ng mga talento at maraming taon ng tagumpay ng Puregold.
Isinakatuparan ng Puregold ang napakalaking Nasa Atin Ang Panalo concert na talaga namang kahanga-hanga ang mga musikang ipinarinig, ibinahagi ng mga grupong nag-perform noong gabing iyon. Kaya naman panalo rin ang mga pumila, naghintay ng ilang buwan para mapanood ang mga finest at most loved artists na nagsama-sama para makabuo ng magagandang musika.
Ang star-studded event na nagtampok ng spectacular performances para mapasaya ang fans sa kanilang mga collab ay ang SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola. Bumulaga rin ang performances nina Gloc-9 at Skusta Clee na nagdagdag kasiyahan sa mga naroroon noong gabing iyon.
Bago ang main event, nagbahagi muna ng kanilang magagandang musika ang mga refreshing lineup ng front acts tulad ng Letters from June, Esay, at Kahel na in fairness ay kilala na at tinitilian din sa kanilang musika.
Super nag-enjoy ang lahat sa concert lalo na ang surprise collaborations ng mga artists na nagsilbing highlight ng Puregold Nasa Atin Ang Panalo Thanksgiving Concert na talaga namang napakagandang konsepto at kahanga-hanga ang mga artist na ginawa iyon at pinag-aralan ang kanta o sayaw ng bawat grupo.
“The Nasa Atin Ang Panalo Thanksgiving concert marks another significant milestone for Puregold. Celebrating 25 years of success and 500 stores, we have also forged a path for others to create their own Panalo stories. This event is our way of showing appreciation to our loyal shoppers and the community that helped us get here,” ani Puregold Price Club Inc. President Vincent Co.
Bukod sa pag-showcase ng musical powerhouses, ang Nasa Atin Ang Panalo ay pasasalamat ng Puregold na mayroon na silang 500 stores sa kanilang ika-25 taon. kaya naman ang concert na iyon ay talagang handog nila sa kanilang mga loyal at beloved customers gayundin sa mga hardworking employees, at supportive partners.
Sa pamamagitan ng Nasa Atin Ang Panalo concert nakapaglabas ng orihinal na musika ang Puregold na nilikha sa pakikipagtulungan ng mga headliner sa konsiyerto. Ang treat na ito ay nagbigay sa A’Tin, Blooms, Flow G followers, Dolores, at hip-hop and rap fans ng exciting new music videos mula sa kanilang favorite artists.