Friday , November 15 2024

Sa gitna ng krisis sa ekonomiya at kahirapan  
‘P32-B STADIUM’ SA CLARK KINONDENA

071524 Hataw Frontpage

KINONDENA ng isang militanteng partylist ang iminungkahi ng administrasyong Marcos na magtayo ng isang dambuhalang stadium sa Clark International Airport.

Ayon sa Gabriela Women’s Party ang planong estruktura ay malaking pagkakamali sa gitna ng krisis sa ekonomiya at kahirapan sa bansa.

“How many public hospitals, schools, or housing projects could be built with P32 billion? It’s like the government is living in their wildest dreams while ignoring the reality on the ground,” ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas.

“Sa panahon kung kailan milyon-milyong Filipino ang halos walang mailagay na pagkain sa mesa, talagang naisipan pa ng gobyerno na maglaan ng bilyon-bilyon para sa isang mega-stadium project na hindi naman mapapakinabangan ng mamamayan,” ani Brosas.

Ang iminungkahing stadium ay itatayo sa  40-ektaryang entertainment complex, ayon kay Clark International Airport Corporation (CIAC) President Arrey Perez.

Aniya, ang stadium ay matatapos sa 2028, at maaaring gamitin sa mga concert ng mga artista.

Kinuwestiyon ni Brosas ang proyekto na gagawin sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP).

“PPPs have a history of favoring corporate interests over public welfare. Hindi natin maaaring payagan na gamitin ang pondo ng bayan para sa mga proyekto na pangunahing pinakikinabangan ng malalaking negosyo habang ang mga tao ang nagdadala ng mga panganib at gastos dito.”

Nanawagan ang Gabriela sa pamahalaan na ilihis na lamang ang pondong nakalaan sa proyekto para sa mas higit na pangangailangan ng sambayanan kagaya ng trabaho, serbisyo, at repormang agraryo.

“Instead of chasing pipe dreams of becoming an entertainment hub, the government should prioritize the welfare of our farmers, workers, and urban poor. We need sustainable development that uplifts the lives of the majority, not glitzy projects that serve only to line the pockets of a few,” ani Brosas. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …