Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw ni Maris Racal matapos kompirmahin noong Biyernes ang paghihiwalay nila ng singer-composer na si Rico Blanco.

Ayon sa Kapamilya actress, walang kinalaman ang ka-loveteam niya sa natapos na teleseryeng Can’t Buy Me Love, si Anthony Jennings sa desisyong tapusin ang limang taon nilang relasyon ni Rico.

Anthony is out of the picture. it’s just mainly me and Rico. Mainly me, I’m the issue,” giit ng batang aktres.

Emosyonal si Maris matapos kompirmahin na nagwakas na ang relasyon nila. 

Aniya, marami ang nagtatanong sa kanya ukol sa tunay na estado ng kailang relasyon at natatakot siyang aminin ang katotohanan

“I’m so scared… I’m really scared. Ang dami kasing tanong about him and I’m here, smiling and nodding. I’m so scared because if I announce it, then it’s real. Yeah. Rico and I really over,” pag-amin ng aktres sabay tulo ng luha.

Hindi napigilan ni Maris na maiyak dahil aniya, fresh pa ang kanilang hiwalayan at nangyari lang iyon ilang linggo ang nakalilipas.

“It’s been few weeks, loneliest and emptiest few weeks I ever experienced in my life,” anito.

“Well.. wala akong short answer for it,” sa kung ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan. “Hindi ko rin siya malabas na isang statement lang kasi hindi ganoon kadali. Hindi ganoon kadali, sobrang complicated (situation). Rico and I, our universe was so beautiful. It was so full of love, laughter, and music, everything.

“Sa five years namin together, we are always on the same page, always on the same page. And I don’t know what happened to that,” ‘ika pa ng dalaga. 

 “Maybe I turned to the next page. I saw a new perspective sa life. I had visions sa who I want to become, how I want to evolve. I’m so curious about the world. And the truth is, I am going through changes. And alam naman natin ‘yun na changes either good or bad. What I hate about changes that it’s inevitable. Hindi mo siya matatakasan and wala ka nang ibang gawin kundi you have to face it and confront it. It’s been in the back of my head,” sabi pa ni Maris.

Idinagdag pa ni Maris na ipinagtapat niya kay Rico ang kanyang saloobin. 

“I told him my problems, my issues sa buhay. He took it like a man. It was a very difficult talk, I love him so much. I love him and he loves me but I have so many questions about my life and how will I go on sa buhay.”

Aminado si Maris na hindi naging madali ang pakikipaghiwalay at pagtatapos ng kanilang relasyon.

“That was so difficult. But it was a very polite separation. Up to the very end of a relationship. It is still full of love. Full of understanding. Rico is one of a kind. If only I could skip through my twenties, you know. But I can’t. I have to face it. I have to, to sit with my feelings and acknowledge my changes,” wika pa Maris.

Pagkatapos ng pahayag ni Maris, naglabas din ng saloobin si Rico sa pamamagitan ng kanyang socmed account.  Aniya, “To my Maris, you are sweet and genuine when it comes to love. I really can’t believe na maghihiwalay na tayo. akala ko, we we’re perfect couple, pero hindi pala talaga. Totoo pala ‘yung kasabihan na pinagtakbo pero hindi itinadhana.”

Sa huli nagbilin pa si Rico sa sinumang makakarelasyon ni Maris. “sa lalaking next mong mamahalin, I hope he will prioritize you the way you deserve. Hanggang dito na lang tayo, but you will always have a special place in my heart.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …