MA at PA
ni Rommel Placente
SUMAILALIM pala sa hip surgery si Angelica Panganiban dalawang linggo na ang nakararaan sa St. Luke’s Medical Center, base sa video na ipinost niya sa The Homans vlog.
Ang caption ni Angelica, “Hi guys! It’s been a week since we had our Surgery journey! We feel a bit anxious about it, but yeah, through prayers from our families and friends nalagpasan namin! I’d also like to acknowledge my very good husband na grabe ang pag aalaga! Thanks hon, alam mo na ‘yun. First time na pareho kaming wala ni Gregg. We missed our Baby Amila.”
Idinokumento ni Angelica ang kanyang journey bago maoperahan hanggang matapos at mapapanood sa video ang mga kaganapan.
Makikitang inihanda ni Gregg Homans (asawa ni Angelica) ang pagkain ng aktres na dalawang araw na raw hindi makakain.
“Two days akong hindi kumain nasusuka ako, nire-reject ng body ko ‘yung gamot. Sobrang dahan-dahan lang ako kumain dito, hopefully masarap (ulam niya chicken). Kung iba ang hospital ko (lasa ng food), dito na ako lagi,” kuwento ni Angelica habang nakahiga sa hospital bed niya.
Nakitang umiiyak siya dahil hindi niya nakakasama ang anak, “Ang sakit-sakit.”
Maririnig naman ang tinig ni Gregg na pinakakalma ang asawa. Ipinakita ring tsinek ang dugo ng aktres.
Day 2, July 6, “Good morning it’s now day 2 na nasa hospital ako marami-rami na akong nagawang lab test and scans, nag 2D echo na ako, ECG, para sa heart para lang ma-clear ako, na blood test na rin ako but may mga uulitin lang, so, naka-fasting ako.
“Nagkandaiyak-iyak na ako kagabi dahil first time naming mag-spent ng night ni Gregg na hindi kasama si Bean. Napaka-unusual lang na both are together but hindi namin kasama ‘yung daughter namin.
“Kahit gaano kaganda ang ospital basta ospital nakaka-down pa rin ng pakiramdam. Nakaka-miss naman talaga ‘yung anak ko dahil gabi-gabi ko siyang katabi tapos bigla akong walang katabi,” sey ng aktres na siya mismo ang kumukuha sa sarili.
Nabanggit na ang gagawin sa kanyang test ay urinalysis at isa pang blood test.
“Kung kinakabahan ako- Actually, mas excited ako gustong-gusto ko na itong mangyari, gusto ko ng matapos ‘yung nararamdaman kong chronic pain ko for the past two years, I’m looking forward (sabay thumbs up),” sambit pa ng aktres.