Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Billy Crawford

Hindi ako adik — Billy Crawford

MA at PA
ni Rommel Placente

PAYAT ngayon si Billy Crawford. Sinasabi tuloy ng iba na gumagamit siya ng droga. Aware naman ang singer-actor-TV host sa tsismis na ‘yun sa kanya. Kaya handa siyang magpa-drug test para patunayang hindi ilegal na droga ang dahilan ng pagpayat.

Ipinagdiinan ng asawa ni Coleen Garcia na hindi siya adik at walang kinalaman sa drugs ang pagbaba ng kanyang timbang at kung anuman ang itsura niya ngayon.

It’s like a circle sa buhay ko. It’s a non-stop conversation in my ‘nutrition’ or my diet. I’m not on a diet,” ang simulang pahayag ni Billy sa panayam ng 24 Oras ng GMA 7.

Dagdag pa niya, “It used to faze me. It used to get me. It used to may kurot ng kaunti. Pero now, it really doesn’t anymore. Nakatatawa na lang.

“Sa mga nakakikilala sa akin, I am by far one of the few artists who are the ones who don’t try drugs.

“We can all take a strand of our hair and do tests ngayon din. Puwede kong hamunin lahat ng tao rito ngayon. No problem. I have nothing to hide,” ang matapang na sabi ng singer at TV host.

Hindi po ako adik. Adik ako sa pamilya ko. Adik ako sa trabaho ko, and that’s it. I’m living, I think, my life to the fullest right now,” ang mariing sabi pa niya.

Ibinandera rin ni Billy na five years na siyang hindi umiinom ng alak at naninigarilyo, “With God’s help and God’s grace, I did it. So I think everyone is allowed and able to change. You can change.”

Nauna rito, pinabulaanan na rin ni Coleen na may problema sa health ang asawa, “We’ve addressed it so many times, to the point na nakapipikon for him kasi how do you change the way you look ‘di ba?

“Whatever he looks like right now, it’s not an unhealthy thing,” aniya pa.

Grabe rin daw kasing magtrabaho si Billy kasabay ng pagbibiyahe sa iba’t ibang bansa, “‘Yung trabaho niya roon, hindi hosting. Nagpe-perform talaga siya sa music festivals.

“Hindi lang nakaaabot dito, hindi kasi siya masyado nagse-share sa social media. Pero he performs talaga almost every day that he’s there in France. Talagang papayat siya,” sey pa ni Coleen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …