Friday , December 27 2024
Eddys SPEEd ALLTV

7th The EDDYS ng SPEEd mapapanood sa ALLTV sa July 14

MATAPOS ang matagumpay na 7th EDDYS (Entertainment Editor’s Choice) noong Hulyo 7, 2024 na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, sa Pasay City, mapapanood na ang kabuuan nito sa Linggo, July 14, 10:00 p.m. sa ALLTV na idinirehe ni Eric Quizon.

Star-studded ang Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pangunguna ng mga bituing nagwagi sa major acting awards at mainit na pinag-usapan hanggang sa kasalukuyan.

Present sa maningning na Gabi ng Parangal si Julia Montes na nagwaging best actress para sa pelikulang Five Breakups And A Romance at si Piolo Pascual na itinanghal namang best actor para sa Mallari.

Hindi naman nakarating si Charlie Dizon na naka-tie ni Julia para sa pelikulang Third World Romance.

Bukod dito, ginawaran din sina Julia at Piolo bilang Box-Office Heroes matapos tumabo sa takilya ang kanilang mga pelikula kasama ang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa Rewind at Kathryn Bernardo para naman sa A Very Good Girl.

Personal ding tinanggap ng mga EDDYS Icons para sa 2024 na sina Nova Villa, Leo Martinez, Eva Darren, at Gina Alajar ang kanilang mga tropeo. Ang ikalimang awardee na si Sen. Lito Lapid ay hindi nakarating ngunit naroon ang kanyang pamangking si Atty. DX Lapid bilang representative.

Ngayong taon, itinanghal ang pelikulang About Us But Not About Us bilang Best Film at Best Director si Jun Robles Lana para pa rin sa About Us But Not About Us.

Ang Best Supporting Actress award ay naiuwi ni Gladys Reyes para sa Apag at ang Best Supporting Actor ay iginawad kay Enchong Dee para sa GomBurZa.

Nagsilbing host ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito. 

Nagkaroon ng espesyal na pagtatanghal sa 7th EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela,Ultimate Singer-Songwriter Ogie Alcasid, drag queens Rampa Reynas, at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Nagsilbing Red Carpet host naman ang veteran radio-online personality na si Mr. Fu.

Ilan sa mga naging presenters sa awards night ay ang acting winners ng 6th The EDDYS — best actor Elijah Canlas, ang ka-tie ni Janine bilang best actress na si Max Eigenmann, best supporting actor na si Mon Confiado, at best supporting actress na si Nikki Valdez.

Nag-present din ng awards sina Sen. Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado, Cedrick Juan, James Reid, Direk Jose Javier Reyes, Joross Gamboa, Arnell Ignacio, RS Francisco, Liza Reyes ng Globe Telecoms, Kelley Day, Michael Sager, Jeric Gonzales, Miss Switzerland  Franki Russell, Christophe Sommereux, Beaver Magtalas, Khai Flores, Shaira Tweg, at ang acting director ng PCSO na si Imelda Papin.

Naroon din si Korina Sanchez na binigyan ng Joe Quirino Award habang tinanggap naman ng magkapatid na CJ at Peach Caparas ang posthumous award para sa kanilang yumaong amang si Direk Carlo J. Caparas.

Dumalo rin ang director-producer na si Perci Intalan na siyang tumanggap ng mga tropeo para sa mga award ng About Us But Not About Us at ang producer ng Mallari na si Bryan Dy ng Mentorque Productions na siyang itinanghal na Rising Producer of the Year.

Tinanggap ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at former House Speaker Sonny Belmonte (para sa anak niyang si Quezon City Mayor Joy Belmonte) ang Isah V. Red award.

Present din ang aktor na si Leandro Baldemor na siyang nagdisenyo at lumikha ng bagong tropeo ng The EDDYS.

Ilan sa mga nominado sa iba’t ibang kategorya ay dumalo rin sa awards night kabilang na sina Romnick Sarmenta at Keempee de Leon.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, naging kaagapay din ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary.

Katuwang din ng grupo ngayong taon si DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Rep. Arjo Atayde, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.

Nagsilbi namang official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …