SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
PAREHONG baguhan at bago sa mga ginagawa ang mga eksenang sinabakan ng mga bidang artista na sina Sahara Bernales at Eunice Santos sa pelikulang Maliko ng Vivamax subalit hindi iyon napansin dahil talaga namang bigay-todo sila sa kanilang mga intimate scene o iyong GL (girls love) na mga eksena.
Ani Eunice, “Opo first kong ginawa iyon, intimate scene with same sex, kaya medyo nahirapan ako. Pero the rest naging okey naman na dahil may tumulong sa akin.”
“Sa akin, sobrang bago niya. Bago ko gawin ang ‘Salakab’ at ‘Halo-Halo’ ito iyong unang-unang film na nagawa ko. So hindi pa ako Viva, hindi pa ako nakakapag-sign sa Viva, nagawa na itong ‘Maliko’ movie na ito.
“So sobrang bago sa experience ko pati sa guy o sa lalaki, so lahat.
“Sobrang memorable rin itong pelikulang ito sa akin kasi first film pero marami na akong na-experience tulad nga po ng GL and sa guy (intimate scenes),” sabi naman ni Sahara.
At nang kumustahin namin si Sahara sa intimate scene sa kapwa babae, aniya “Sinasabi ko naman lagi na mas komportable ako kapag sa babae mayroong love scene. So mas nahihirapan ako sa lalaki,
Sinabi pa ni Sahara kaya mas pipiliin niyang makipag-lovescene sa kapwa babae.
“All goods din naman kapag sa lalaki, mas seksing tingnan kapag sila ang partner,” dagdag pa ni Sahara.
Kasama rin sa Maliko sina Chad Solano, Aica Veloso, Ardy Raymundo, at Rome Guinto. Idinirehe ito ng aktor ding si JR Frias at napapanood na sa kasalukuyan sa Vivamax.
Ang Maliko ay ukol sa dalawang babae na gigising sa makamundong damdamin at pag-iisip. Isang lugar ang Maliko na isang dalaga ang pagnanasaan ng kapwa niya babae habang pinagdaraanan ang isang krisis.
Si Leng (Sahara), na kumikita lamang sa pagbebenta ng mais ay nahaharap sa matinding pangangailangan dahil sa biglaang pagkakasakit ng kanyang ama. Sakto naman at makikilala niya ang isang medical representative na makapagbibigay sa kanya ng mga kinakailangang gamot na akala niya’y libre pero may mabigat ding kabayaran.
Si Sweetie (Eunice) ang medical representative mula sa Maynila at nadestino
sa Maliko. Malakas ang personalidad at nakukuha ang lahat ng naisin kahit gamitin pa ang katawan. Natipuhan niya agad si Leng nang makilala at gagamitin ang kahinaan ng dalaga para makuha ang gusto niya rito.
Bukod sa Maliko, may isa pang handog ang Vivamax na mapapanood naman sa July 12, ang Hiraya ni direk Sid Pascua. Ito’y pinagbibidahan nina Rica Gonzales, Itan Rosales, Denise Esteban, Nathan Rojas, Quinn Carillo, Alvaro Oteyza, JD Aguas, at VJ Vera
Ang Hiraya na isinulat ni Quinn ay ukol sa misteryosang babae na pag-iinteresan at pag-iinitan ng mga taumbayan. Matatagpuang walang malay sa may batis si Hiraya (Rica), at nang magising, walang maalala at tanging ang pangalan niya ang kayang
sabihin. Kaya naman madali siyang pinagsamantalahan ng mga tao, tulad ni Rommel (Itan), ang panganay na anak ng kapitan ng barangay, at ng kabit nitong si Andeng (Denise). Mukhang walang mapagkakatiwalaan si Hiraya, hanggang makilala niya si James (Nathan), ang bunsong anak ng kapitan.
Pinipilit si James ng kanyang ama na pumasok rin sa politika at wala siyang lakas ng loob na suwayin ito. Pero nang makilalasi Hiraya, nakaramdam ng tapang si James na protektahan ang dalaga.