Wednesday , April 16 2025
shabu drug arrest

P75K shabu bistado
2 TULAK HULI SA KANKALOO

SA KULUNGAN bumagsak ang dalawang drug suspects, kabilang ang isang babae matapos maaktohang nag-aabutan ng shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Banana St., Brgy. 175, Camarin, nakita nila ang isang babae na may iniabot na plastic sachet sa kausap nitong lalaki dakong 5:00 pm kaya nilapitan nila ang dalawa.

Gayonman, nang mapansin ng mga suspek ang mga pulis ay tumakbo kaya hinabol ng nga arresting officer hanggang makorner at maaresto.

Nakumpiska sa mga suspek na sina alyas Inday at alyas Jose ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng 11.1 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price (SDP) value na P75,480.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …