Thursday , November 21 2024
EDDYS SPEEd

Julia, Charlie, Piolo, Enchong, at Gladys wagi sa 7th EDDYS; About Us But Not About Us Best Film

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

STAR STUDDED at lahat ng mga nagsipagwagi, lalo na iyong major categories ay dumalo o present sa katatapos na 7th The EDDYS Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap sa Newport World Resorts sa Pasay City, at idinirehe ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Nakatutuwa kapag ang mga artista ay nagbibigay-halaga sa mga award giving body na nagpapahalaga rin sa kanilang mga ambag sa industriya.

Itinanghal na Best Actress sina Julia Montes at Charlie Dizon habang waging Best Actor si Piolo Pascual sa katatapos lang na The EDDYS. Nagwagi si Julia para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang Five Breakups And A Romance habang si Charlie ay para sa Third World Romance, at si Piolo ay nagwagi para sa Mallari. 

Nakuha ng About Us But Not About Us  ngayong taon ang Best Film mula sa The IdeaFirst Company, Octoberian Films, at Quantum Films at Best Director si Jun Robles Lana para pa rin sa naturang pelikula.

Ang Best Supporting Actress award ay naiuwi ni Gladys Reyes para sa Apag at ang Best Supporting Actor ay iginawad kay Enchong Dee para sa GomBurZa.

Sabi nga ni Gladys, wagi ang dalawang Clara na kapwa nila ginampanan ni Julia  sa matagumpay na teleseryeng Mara Clara. Kapwa naman ginampanan nina Judy Ann Santos at Kathryn Bernardo (na nominado rin sa Best Actress category para sa A Very Good Girl) ang papel ni Mara.  

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10:00 p.m..

Nagsilbing host ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito

Nagkaroon ng espesyal na pagtatanghal sa 7th EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela, ang Ultimate Singer-Songwriter Ogie Alcasid, drag queens Rampa Reynas, at ang mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Nagsilbing Red Carpet host naman ang veteran radio-online personality na si Mr. Fu.

Naging isa sa mga highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing na mga haligi ng movie industry na kinabibilangan nina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren, at Gina Alajar.

Isang posthumous award din ang ipinagkaloob sa yumaong comic strip creator, movie producer, at direktor na si Carlo J. Caparas, na tinanggap ng kanyang mga anak na sina Peach at CJ Caparas.

Iginawad ng SPEEd ang The EDDYS Box Office Heroes kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia, Kathryn Bernardo, at Piolo  na malaki ang ambag sa muling pagbangon ng Philippine movie industry.

Ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan) ay ipinagkaloob kina dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at Quezon City Mayor Joy Belmonte. Ang tumanggap ng parangal ay ang kanyang amang si dating Mayor Sonny Belmonte 

Ang Joe Quirino Award ay iginawad sa beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez, habang ang veteran entertainment columnist na si Ronald Constantino ang  tumanggap ng Manny Pichel Award.

Ngayong taon, ang Rising Producer Circle Award ay ipinagkaloob sa Mentorque Productions, ang producer ng mga pelikulang My Father Myself at Mallari

Ang Brightlight Productions ang line producer ng ginanap na awards night.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon si DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee BenitezBeautéderm ni Rhea-Anicoche TanUnilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Congressman Arjo Atayde, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.

Nagsilbi namang official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

Sa kabuuan, nakakuha ng limang award ang Mallari, apat ang About Us But Not About Us, isa sa Five Breakups and a Romance, gayundin ang Third World Romance, dalawa sa GomBurZa, at tag-isa rin ang Apag at Shake, Rattle & Roll Extreme.

Narito ang kompletong listahan ng mga nagwagi sa 7th The EDDYS:

BEST FILM

“About Us But Not About Us” (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films)

BEST DIRECTOR

Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)

BEST ACTRESS

Charlie Dizon (Third World Romance)

Julia Montes (Five Breakups And A Romance)

BEST ACTOR

Piolo Pascual (Mallari)

BEST SUPPORTING ACTRESS

Gladys Reyes (Apag)

BEST SUPPORTING ACTOR

Enchong Dee (GomBurZa)

BEST SCREENPLAY

Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)

BEST CINEMATOGRAPHY

Juan Lorenzo “Pao” Orendain (Mallari)

BEST PRODUCTION DESIGN

Mariel Hizon (Mallari)

BEST EDITING

Lawrence S. Ang  (About Us But Not About Us)

BEST MUSICAL SCORE

Von de Guzman (Mallari)

BEST SOUND

Immanuel Verona, Nerrika Salim (Mallari)

BEST VISUAL EFFECTS

Ryan Grimarez, Macky Rayanon, Tawong-Lipod Creative Studio (Shake, Rattle & Roll Extreme)

BEST ORIGINAL THEME SONG

“Sa Duyan ng Bayan” (GomBurZa) 

Performed by Noel Cabangon, Ebe Dancel and Gloc-9

Music and lyrics by Krina Cayabyab and Gloc-9

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …