Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
KUNG mayroon man may lakas ng loob na labanan sa 2025 local election sina Cong. Tony Calixto at Mayora Emi Calixto-Rubiano, huwag na. Sinisiguro ko, kakain kayo ng alikabok.
Bakit? Heto ang sagot: sa rami ng ginawang proyekto ng mga Calixto bulag lang ang ‘di nakakita.
Noong si Cong. Tony pa ang meyor, sinimulan niya ang pagkakaloob ng allowances sa mga estudyante ng public schools na ipinagpatuloy ni Mayora Emi. Bilangin mo ang mga estudyante na nakikinabang, isama mo pa ang mga magulang at mga kaanak, aba e talagang walang talo.
Paano kung iba ang mauupo, palagay mo ba kaya nila ang ginawa ng mga Calixto? Kung ako ang magulang, bakit ko bibitawan ang mga Calixto dahil alam kung kaginhawaan para sa mga magulang ang ipinagkakaloob na allowances.
Si Mayora Emi na bansag ko ay “Ang Mayorang Hindi Nagpapahinga” walang tigil sa pag-iikot upang alamin ang mga problema. Kahit sa mga ordinaryong kasayahan basta imbitado, personal na pumupunta maging sa mga patay laging present upang makapag-abot ng tulong. Saan ka pa? wala talagang pagod si Mayora.
Asahan ninyo kapag may hindi magandang sumbong sa kanyang opis, aksiyon agad at ipatatawag ang mga sangkot.
Tunay na naglilingkod ang magkapatid na Calixto, hindi sayang boto ng mga Pasayeño.
Dasal ko lang na sana nakita ng mga kalugar ko sa Pasay. Sana hindi bulag sa tawag ng serbisyo na ipinagkaloob ng magkapatid para sa taongbayan ang tunay na serbisyo.
Dasal ko rin na huwag na maglakas loob na may kumalaban dahil tiyak kakain ng alikabok. Kung mayroon man siguro gagawa lang ng pera mula sa kanilang makukuhang financer. Tama o mali?