Saturday , October 5 2024
The EDDYS

Tatanghaling pinakamagagaling sa 7th EDDYS kaabang-abang

NGAYONG Linggo, July 7, magaganap ang pinakaaabangang 7th The EDDYS o ang Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Magkakaalaman na kung sino-sino ang mga karapat-dapat na tatanghaling pinakamagagaling sa mga nominadong pelikula at mga artistang nagmarka at lumikha ng ingay nitong nakalipas na taon.

Itatanghal ang Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City, na muling ididirehe ng aktor at award-winning filmmaker na si Eric Quizon.

Mapapanood naman ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10:00 p.m..

Magsisilbing host ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na sina Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito

May espesyal namang pagtatanghal sa 7th EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela pati na ang Ultimate Singer-Songwriter at TV host na si Ogie Alcasid.

Isang pasabog na production number din ang hatid ng mga drag queens na Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Ang veteran radio-online personality namang si Mr. Fu ang magiging host sa Red Carpet ng awards night.

Maglalaban-laban ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform noong 2023. 

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang About Us But Not About Us (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films); Firefly  (GMA Pictures, GMA Public Affairs);  GomBurZa(Jesuit Communications, MQuest Ventures, CMB Film Services); Iti Mapukpukaw (Project 8, GMA News and Public Affairs, Terminal Six Post), at Mallari (Mentorque Productions, Clever Minds Inc.).

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Derick Cabrido (Mallari); Pepe Diokno(GomBurZa); Zig Dulay (Firefly); Jun Robles Lana (About Us But Not About Us); Carl Joseph Papa (Iti Mapukpukaw).

Magpapatalbugan sa pagka-Best Actress sina Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); Charlie Dizon(Third World Romance); Julia Montes (Five Breakups And A Romance); Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).

Nominado naman sa Best Actor category sina Elijah Canlas (Keys to the Heart); Dingdong Dantes(Rewind); Cedrick Juan (GomBurZa); Piolo Pascual (Mallari); Alden Richards (Five Breakups And A Romance); Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us).

Para sa kategoryang Best Supporting Actress nominado sina Dolly de Leon (Keys to the Heart); Alessandra de Rossi (Firefly); Gloria Diaz (Mallari); Gladys Reyes (Apag); at Ruby Ruiz (Langitngit).

Sa Best Supporting Actor category maglalaban-laban sina Enchong Dee (GomBurZa); Keempee de Leon (Here Comes The Groom); Nanding Josef (Oras de Peligro); Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes); at JC Santos (Mallari).

Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night sa July 7, 2024. Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon si DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee BenitezBeautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit SingsonEmelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, at ang Echo Jam.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

About hataw tabloid

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Alexa Ilacad Ryrie Sophia Kim Ji-soo Mujigae

Korean actor Kim Ji Soon bilib sa child star na si Ryrie Turingan

MATABILni John Fontanilla NAPAHANGA ang Korean actor na si Kim Ji Soo sa  husay magsalita ng Korean …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Alexa Ilacad Ryrie Sophia Kim Ji-soo Madonna Tarrayo Mujigae

Alexa hinangaan na trailer pa lang ng Mujigae

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MATAGAL bago muling nakagawa ng pelikula ang Uxs (Unitel x Straightshooters) at …