HATAWAN
ni Ed de Leon
MAMATAY-MATAY sa inggit ang mga miyembro ng isang kulto ilang minuto pa lang matapos ang press conference ng Aktor PH. Galit na galit sila sa social media dahil bakit pa raw tumawag si Dingdong Dantes ng ganoong presscon? Noong panahon nila hindi sila nakakuha ng ganoong suporta mula sa industriya, at isa pa hindi nakumbida sa presscon isa mang miyembro ng kulto.
Wala na ngang choice kundi magngitngit na lang ang kulto ni Kaybulok. Halata na nga kasing nawawala na sila sa mapa. Para na lang silang Taiwan na ang daling tapakan ng China at maglalaho na. Mawawala na sa mapa ang kanilang ipinagmamalaking five continents dahil ang apat sa mga iyon ay lulubog na sa tubig oras na matunaw ang yelo sa North Pole at sa Antartica dahil sa global warming.
Mag-iiba na ang landscape ng mundo dahil may mga continent na mababasag at magkakahiwalay. Paano na ang five continents na kumilala kay Kaybulok?
Wish bus na sila.