Sunday , June 30 2024
QC quezon city

Sa Quezon City 
5 BARANGAY, NAKATAKDANG IDEKLARANG “DRUG CLEARED”

NAKATAKDANG ideklara ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QC-ADAAC) na drug-cleared ang lima pang barangay sa Lungsod.

Sa pagdiriwang kahapon ng International Day Against Drug Abuse na ginanap sa Philippine Public Safety College sa QC, sinabi ni QC-ADAAC Co-Chairman at Vice Mayor Gian Sotto na sa ngayon ay bumababa na ang bilang ng mga drug addict at drug pusher sa Lungsod.

Ito aniya ay resulta ng malawakang information campaign at mga drug prevention program ng lokal na pamahalaan lalo ang pagtugon sa pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan.

Naging posible aniya ito dahil sa pakikipagtulungan ng barangay, mga eskuwelahan at iba pang stakeholder na mulat na rin sa negatibong epekto ng illegal drugs.

Paliwanag ni Sotto, bagamat hindi maitatanggi na mayroon pa rin nagkalat na ilegal na droga sa lungsod pero batay sa talaan ng Quezon City Police District (QCPD), karamihan sa mga nahuhuli at namo-monitor na mga pusher ay pawang taga-ibang lugar o hindi residente sa Quezon City.

Pansamantalang hindi tinukoy ni Sotto kung anong mga barangay ito dahil hihintayin pa ang rekord na manggagaling sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC).

Una nang idineklang drug-cleared ang 94 barangays sa buong Quezon City. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

NAGTATAG  ng support group para sa mga magulang ng batang may special needs ang pamahalaang …

shabu drug arrest

Umihi, nanapak ng parak
TRUCK HELPER HULI SA SHABU

PATONG- PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang truck helper makaraang masita sa pag-ihi sa …

Navotas

2 teachers kabilang sa mga bagong scholar ng Navotas

DALAWANG GURO mulasa pampublikong paaralan ang kabilang sa nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs …

PNP QCPD

4 MWPs, timbog sa QC

APAT na most wanted persons ang naaresto ng  Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang …

Lito Lapid

Lapid handang magbitiw kapag napatunayang sangkot sa POGO hub

“I WILL RESIGN.” Ito ang tahasang sinabi ni Senador Manuel “Lito” Lapid sa kanyang pagdalo …