Wednesday , April 16 2025
Kuman Thong Botejyu Viva Cindy Miranda, Althea Ruedas, Emman Esquivel

Kuman Thong at Botejyu sanib-puwersa sa pagbibigay excitement sa viewers

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KATUWA naman iyong naisipang gimmick ng Viva FilmsStudio Viva, at Viva Foods. Aba naman, nabusog ka na, makakapanood ka pa ng magandang pelikula. Ang tinutukoy namin ay ang pagsasanib-puwersa ng pelikulang Kuman Thong na pinagbibidahan Cindy Miranda, Althea Ruedas, Emman Esquivel na isinulat at idinirehe ni  Xian Lim at ng Botejyu at Wingzone.

Sa bawat P2,000 purchase sa Botejyu may 2 (dalawang) libreng cinema tickets na kayo. At sa bawat P900 purchase naman sa Wingzone may 1 (isang) libreng tiket ka rin! Kailangan lamang kumain sa alinmang sangay ng Botejyu at Wingzone para makakuha ng libreng tiket. Ang promo ay nagsimula noong June 20 at magtatagal hanggang July 9, 2024. Kaya go na, kumain at mag-chill sa pamamagitan ng Kuman Thong.

Ang speaking of Kuman Thong, ito ay isang horror film na may direct translation na “golden young boy.” Palabas na ito sa mga sinehan simula July 3. Ito ay hango sa Thai occult tradition na ang isang piguring may espiritu ng bata ay maaaring magdala ng suwerte kapag binigyan ng tamang paggalang at kapahamakan kung hindi ito maaalagaan.

Ang kuwento ay tungkol kay Clara (Cindy), na pupunta sa Thailand kasama ang anak na si Katie (Althea) para humingi ng basbas kay Namfon (Jariya Therakaosal), ang ina ng kanyang mapapangasawa na si Sai Chon (Max Diloknawarit). Hindi masaya si Namfon na lilipat na ang kanyang nag-iisang anak na lalaki sa Pilipinas. Naniniwala siyang hindi pa handa ang dalawa, lalo at nagluluksa pa si Clara sa pagkamatay ng kanyang anak na si Isaac (Emman). Palagi pang dala ni Clara ang urn na naglalaman ng abo ni Isaac.

Sa kanyang pagbisita sa Thailand, makikilala ni Clara ang isang shaman na may isasagawang ritwal gamit ang abo ni Isaac. Bibigyan din siya nito ng isang Kuman Thong. Ayon sa shaman, kung aalagaan niyang mabuti ang Kuman Thong, maaaring magbalik si Isaac.

Sa kabila ng pagtutol ni Namfon, itatago pa rin ni Clara ang Kuman Thong sa pag-asang muling makakapiling ang anak.

Pagkatapos magsimulang mag-alay ni Clara sa Kuman Thong, mababalot ang kanilang dati’y tahimik na tahanan ng mga kakaibang pangyayari. Nag-uumpisa na ring magbago ang kilos ni Clara, at nararamdaman na rin niya ang presensya ni Isaac. Kahit nalalagay na sa panganib ang kanilang pamilya, masaya pa rin sina Clara at Katie sa “pagbabalik” ni Isaac.

Lalong mag-iiba ang kanilang buhay dahil tila hindi lamang ang espiritu ni Isaac ang nagbabanta sa kanilang pamilya, na hahantong sa pagkabunyag ng mga malagim na sikreto na babago sa kanilang buhay.

Ang Kuman Thongna kinunan sa Thailand, ay isinulat ni Xian. Nakuha niya ang inspirasyon sa Thai mythology. “My goal is to do justice to the Thai mythology and capture its authenticity,” aniya sa isang interview.

Ito ang unang full-length horror film ni Xian bilang direktor, pero hindi ito ang unang pagsabak niya sa isang papel sa likod ng kamera. Ang kanyang directorial debut ay ang thriller na Tabon na bahagi ng Cinemalaya Film Festival 2019. Noong January 2023 naman napanood sa mga sinehan ang kanyang comedy movie na Hello, Universe! starring Janno Gibbs at Benjie Paras.

Ibinahagi naman ng Thai actor na si Max, na leading man ng pelikula, ang kanyang galak na makatrabaho ang beauty queen-turned-actress na si Cindy para sa kanyang unang Filipino movie project. Kilala si Max sa kanyang Thai projects na Manner of Death at Bangkok Love Stories: Innocence, habang si Cindy ay napanood sa Martyr or Murderer at Reroute. 

Maghanda na sa isang nakakikilabot na movie experience na tiyak na magpapakapit sa ’yo sa inyong kinauupuan. Saksihan ang kapangyarihan ng Kuman Thong sa mga sinehan, palabas na sa buong bansa simula July 3.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

Faith Da Silva Libid Grand Santacruzan

Santacruzan buhay na buhay sa Binangonan: Libid Grand Santacruzan sa Mayo 4 na

MASUWERTE si Faith Da Silva dahil siya ang napilli ng mga taga-Binangonan lalo ang mga taga-Brgy. Libid …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

ArenaPlus PBA TNT 1

ArenaPlus Celebrates with the PBA Season 49 Commissioner’s Cup Champions

Photo courtesy of PBA: Katropas poses together with their fans during their victory party ArenaPlus, …