SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI big deal kay Cindy Miranda kung gumanap siya sa isang pelikulang nanay sa dalawang anak. Ito’y sa pelikulang Kuman Thong ng Viva Films at Studio Viva na mapapanood na sa July 3.
Natanong si Cindy kung anong mayroon ang project para mapapayag siya sa mother role?
Ayon kay Cindy, first time niyang gumanap na nanay at magkaroon ng anak sa pelikula. “This is my first na mag-mother role.
“Gusto ko po talagang gumawa ng horror movie, at iyon ay nasabi ko sa mga boss ng Viva.”
At dahil game at gustong-gustong makagawa ng horror movie, tinanggap ni Cindy ang project na hindi pa man niya nababasa ang script eh, umoo na siya.
“Actually hindi ko pa nababasa ang story, nag-‘yes’ na ako dahil sinabi nila na, ‘There’s a horror film na gagawin sa Thailand, gusto mo ba?’ Hindi po ako nag-isip, ‘yes po.’ Hindi ko pa rin kilala ang direktor ko, kung sino ang writer ng story, I just said ‘yes,’ because I really wanted to do a horror movie. Ganoon ako ka-excited,” pagbabahagi ni Cindy sa isinagawang mediacon kagabi sa Botejyu.
Sinabi pa ni Cindy na ipinagdasal niyang tama ang desiyong tanggapin ang project.
“Ganoon ako ka-excited na iba naman, sa Thailand naman gagawin at makakatrabaho ang mga Thai actors, aside from these kids.
“Sobrang excited ako at nagpe-pray ako na ‘sana okey sa akin kahit hindi ko pa nababasa, sana tama ang naging desisyon ko which is wala akong naging regret,” masayang sabi pa ng aktres.
At nang kumustahin ang pag-portray niya ng pagiging nanay, inamin nitong nahirapan siya, na understandable naman dahil hindi pa nga siya naging nanay.
“Actually ang hirap po, ito ‘yung hindi ba tayo kapag humugot tayo mas madali kapag kung may experience na sa isang bagay. But this one sabi ko, paano nga ba mawalan ng isang anak eh hindi pa ako nagkakaroon ng anak?’
“Ang bigat-bigat niyon.
“Sabi ko hindi ko alam kung saan ako huhugot.
“Well, nawalan na ako ng minamahal sa buhay, nawala na ang daddy ko or whoever. But this one, ibang level ito. Kaya masasabi ko kakayanin ko.
“I just did my best, hinugot ko kung ano man ang masakit sa akin kasi ang hirap talaga ilagay ang sarili mo sa bagay na hindi mo pa nae-experience.
“I hope, sana naging successful ako sa pag-portray ng pagiging ina kahit hindi pa ako nagiging ina,” sabi pa ni Cindy.