Wednesday , December 18 2024

2 teachers kabilang sa mga bagong scholar ng Navotas

DALAWANG GURO mulasa pampublikong paaralan ang kabilang sa nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa paparating na school year 2024-2025.

Pumirma ng memorandum of agreement (MOA) si Mayor John Rey Tiangco kasama si Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano at 28 benepisaryo ng nasabing programa.

Kabilang sa mga benepisaryo ang 15 incoming high school freshmen, 11 incoming college freshmen, at dalawang guro na nag-aaral ng mas mataas na edukasyon.

“Education is the key to a brighter future for our youth and our community. Through the NavotaAs Scholarship Program, we invest in the potential of both our students and teachers. We strive to support their academic pursuits and help them achieve their dreams,” ani Tiangco.

Upang maging kalipikado para sa programa sa mataas na paaralan, ang mga aplikante ay dapat kabilang sa nangungunang 10 porsiyento ng graduating elementary class. Ang mga iskolar ng Navotas Polytechnic College ay dapat magmula sa nangungunang 25 porsiyento ng senior high school graduating class, at ang mga merit scholar ay dapat kabilang sa top 10 ng senior high school graduating class.

Kailangan sumailalim sa qualifying exam at interview ang mga aplikante.

Ang pamahalaang lungsod ay nagbibigay ng P18,000 sa mga high school scholars kada academic year para sa libro, transportasyon, at food allowance.

Ang mga iskolar ng Navotas Polytechnic College ay nakakakuha ng P22,000 kada academic year para sa tuition, libro, transportasyon, at food allowance.

Samantala, ang mga merit scholar, na maaaring mag-aral sa kahit saang kolehiyo o unibersidad sa Metro Manila, ay binibigyan ng P262,000 para rito.

Higit pa rito, ang mga iskolar na guro ay tumatanggap ng P75,000 bawat akademikong taon para sa kanilang matrikula, libro, transportasyon, at allowance sa pagkain, at gawad ng pananaliksik.

Noong nakaraan, tinanggap din ng pamahalaang lungsod ang 145 bagong iskolar sa ilalim ng NavotaAs Sports Scholarship Program.

Nagbibigay ang Navotas ng mga scholarship sa mga mag-aaral na mahusay sa sining at sa mga bata o kamag-anak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …