Sunday , June 30 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Wanted ngayon: DepEd chief

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

KUNG gaano kabilis tinalikuran ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang Department of Education bilang kalihim nito matapos niyang ianunsiyo ang kanyang pagbibitiw sa puwesto, dapat ganoon din kabilis si President Marcos sa pagtatalaga ng papalit sa kanya.

Natural lang na magkaroon ng vetting process at hindi rin naman gusto ng Malacañang na ora-oradang magtalaga ng bagong kalihim ng edukasyon. Gayonman, ang agarang pangangailangan ay bunsod ng katotohanang magsisimula na ang bagong school year sa susunod na buwan.

Ang “Matatag curriculum” ng administrasyon na inilunsad noong nakaraang taon ay puntiryang magkaroon ng maaasahan at maayos na latag ng educational framework na mag-aangat sa kalidad ng pagtuturo at pagkatuto sa Filipinas.

Ang biglaang pagbaba sa puwesto ni Inday Sara ay hindi makatutulong sa transition para sa implementasyon ng bagong curriculum, pero hindi naman ito mangangahulugang dapat nang ihinto o ipagpaliban ang mga repormang ito.

Ang maganda naman dito, ang Presidente, ang Executive Secretary, ang First Lady, o sinomang pipili ng susunod na kalihim ng DepEd ay mayroong pambihirang oportunidad na magtalaga ng isang tunay na alagad ng edukasyon na mayroong pangarap at mahusay sa pangangasiwa upang maisakatuparan ang mga kinakailangang reporma.

         Sana naman, ang susunod na appointee ay hindi pipiliin sa anggulong politikal upang ang mga polisiya ng DepEd ay seryosong maipatupad at malaya mula sa manipulasyong partisan. Panahon na para isang propesyonal, hindi isang politiko, ang maggabay sa ating mga anak patungo sa de-kalidad na edukasyon.

Bigyan ng promotion ‘yan!

Noong nakaraang linggo, napabilib ang social media sa katapatan ni Rosalinda Celero, ang naglilinis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, na nagsauli ng sangkatutak na cash na natagpuan niya mula sa isang gamit nang pares ng medyas.

Walang pagdadalawang-isip na isinuko ni Celero ang pera — may kabuuang $18,800 — sa lost and found section. Binabati natin si Celero sa kanyang integridad; at sa pagpapamalas ng katapatan, dalawang katangian na parehong pambihira at kahanga-hanga.

Ito ang klase ng ugali na karapat-dapat parangalan at gantimpalaan. Dapat na mai-promote bilang supervisor, kung hindi man sa mas mataas pang posisyon.

Ang kanyang ginawa ay isang nagniningning na halimbawa sa kanyang mga kasamahan sa trabaho, at kabaliktaran ng korupsiyon na salot sa ating gobyerno. Panahon nang pag-isipang mabuti kung sino-sino ang mga iaangat sa pinakamatataas na posisyon. Silang gumagawa ng mabuti, may nakatingin man o wala, ang tunay na karapat-dapat sa leadership roles.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Bukod sa West Philippine Sea  
NCR, LUZON PENETRATED NA RIN NGA BA NG CHINA?

YANIGni Bong Ramos BUKOD sa West Philippine Sea (WPS), hindi nakapagtataka kung penetrated na rin …

Sipat Mat Vicencio

Sara mag-ingat sa pambobola ni Imee

SIPATni Mat Vicencio NGAYONG pormal nang nagbitiw si Vice President Sara Duterte bilang Secretary ng …

Sipat Mat Vicencio

Dapat bang suportahan ni Digong si Imee sa halalan 2025?

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ni Senator Imee Marcos at halatang ginagamit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang ‘mischievous’ na misis ng Pangulo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO mag-weekend, isang pahayag kontra kontrobersiya ang umalingawngaw mula …

Sipat Mat Vicencio

Dapat lang sibakin si Migz

SIPATni Mat Vicencio WALANG ibang dapat na sisihin sa pagkakasibak ni Senator Juan Miguel “Migz” …