ni Ed de Leon
NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young Male Star ay pinipilit na i-build up ng isang network at ng tatay niya. Paniwalang-paniwala sila na siya ang maaaring maging kasunod na top matinee idol.
Ang batayan nila, bumaba na ang popularidad ni Daniel Padilla simula nang iwan ni Kathryn Bernardo. Wala na rin si Enrique Gil nang iwanan ni Liza Soberano. Si Alden Richards hindi ka naman nakasisiguro dahil bumagsak na iyan nang mahiwalay kay Maine Mendoza at ngayon ay natatangay na lang ng popularidad ni Kathryn.
Mukha rin namang walang sisikat na bago. Kaya ang paniwala nila siya na nga iyon.
Pero paano aangat iyan kung madalas na makita ng mga bading sa mga “orgynuman,” kasama ang iba pang bading. At basta raw nakainom na, wild na sa sex kahit na may mga nakakakita pa. Payag din daw sumali sa orgy, kaya favorite siyang imbitahan sa mga secret gay parties na ginagawa sa mga condominium at mga de kalibreng hotels. Kung sa bagay mga de-kalibreng gays din naman daw ang nakakasama nila, pero siyempre iba iyong alam na kasama ka sa ganoon.