ni Ed de Leon
IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon ng ilang OFWs na nang makilala siya natuwa naman at nagkagulo na sa pagpapakuha ng pictures na kasama siya.
Sa pagkakagulo, bumagsak ang supot na may lamang mga bagay na binili niya, kabilang sa sumabog sa supot ay dalawang boteng “poppers,” at saka dalawang tube ng “Lubricant.”
Nang makita iyon, natural na napatili nang walang sound ang isang bading na kasama nila. Nang mag-uwian na ipinaliwanag ng bading sa kanyang mga kasama kung saan ginagamit ang “poppers” at “lubricant” at kung bakit siya napatili ng walang sound.
Ang ginawa raw niyong mga babae, mabilis na binura ang mga picture nila sa kanilang cellphone na kasama ang BL star, na noong una pala ay balak pa nilang i-post sa kanilang mga social media account.
Isipin mo nga naman may kasama silang artista kaya lang “ang cheap pala.”