DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang bebot ang inaresto matapos makuhaan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buybust operation sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, dakong 12:08 pm nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables sa buybust operation sa BMBA Compound, 3rd Avenue, Brgy. 118, si alyas Cecil, 39.
Nakompiska sa suspek ang 11 gramo ng hinihinalang shabu, may katumbas na halagang P74,800 at buybust money na isang P500 bill, kasama ang anim pirasong P1,000 boodle money.
Sa Valenzuela, natimbog ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa buybust operation sa Bagumbong Road, Brgy. Bignay dakong 5:15 am si alyas Taro.
Ayon kay Valenzuela City police chief Col. Nixon Cayaban, nakuha sa suspek ang nasa 22 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P149,600, buybust money na isang P500 bill, kasama ang walong pirasong P1,000 boodle money, P300 recovered money at cellphone.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES )