SA SELDA bumagsak ng dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos mahuli ng pulisya sa isinagawang buybust operation sa Caloocan City.
Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay P/Col. Paul Jady Doles, acting chief of police ng Caloocan City, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa illegal drug activities nina alyas Totong at alyas Dogong kaya ikinasa nila ang buybust operation kontra sa dalawa.
Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksiyon sa mga suspek at nang tanggapin nila ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba dakong 1:04 ng madaling araw sa Corinthians St., Brgy., 177.
Nakompiska sa mga suspek ang 7 grams ng hinihinalang shabu, may standard drug price value na P47,600 at buybust money na isang P500 bill at anim pirasong P6,000 boodle money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)