KINONDENA ng isang kongresista ang China sa pagpapatupad ng ilegal na batas sa West Philippine Sea (WPS) nang salakayin ng mga Chinese ang barko ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez (CDO, 2nd District) ilegal ang ginawa ng Coast Guard ng China at walang basehan ang kanilang regulasyon na nagbibigay ng pahintulot sa kanilang Coast Guard na hulihin ang mga tinagurian nilang “trespassers.”
Ayon kay Rodriguez, ilegal ang ginagawa ng China sa loob ng 200 milyang Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).
Noong 24 Hunyo 2024 naglabas ang China ng utos sa Chinese Coast Guard (CCG) na maaari nilang hulihin ang mga tao at dayuhang barko sa loob ng inaangkin nilang teritoryo.
“This rule has no basis in law. It violates the United Nations Convention on the Law of the Sea and the 2016 arbitral tribunal ruling in favor of our country,” ani Rodriguez.
“How could they claim our people are trespassing in that area not far away from Palawan when Ayungin Shoal is inside our 200-mile exclusive economic zone (EEZ)?” giit ni Rodriguez.
“It is the Chinese who are trespassing in our EEZ. We should be the ones apprehending and detaining them,” aniya.
Anang kongresista, nanggugulo ang China sa West Philippine Sea.
“China is escalating tensions in the South China Sea and disrupting regional peace, stability and prosperity,” ani Rodriguez. (GERRY BALDO)