Sunday , December 22 2024
Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ

AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang Karma ng Happy Infinite Productions Inc at Viva Films na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Sobrang hirap gumawa ng action film,” ani Rhen nang makausap namin ito sa red carpet premiere ng pelikula niyang pinagbibidahan ang Karma kasama sina Sid Lucero, Paolo Paraiso, Krista Miller, atRoi Vinzon.

Nahirapan si Rhen dahil ito ang first time niyang gumawa ng hard action bagamat lumalabas siya sa FPJ’s Batang Quiapo.

Mahirap kasi lalo na sa katulad sa akin na hindi naman talaga nag-train for this, action film. Meaning I’m not flexible, hindi ako naggi-gym. Kaya todo effort ako to make this work, like physically at all.

“I really tried my best, happy and excited at sana makita ng tao. iyong mga manood na ginawa ko lahat,” sabi pa ni Rhen.

Action na action nga ang Karma na punompuno ng barilan at matitinding bakbakan.  Kung nanonood kayo ng mga pelikula sa Netflix, ganoon ang dating ng pelikulang ito na idinirehe ni Albert Langitan.

Sa kuwento pa ni Rhen, sinabi pa nitong nag-train siya kung paano bumaril, nag-workshop. “Halos araw-araw nag-training ako for the fight scenes. Pinag-firing talaga ako ni direk at iba ang feeling kapag bumabaril, may hawak ng baril. Hindi pala siya ‘yung basta may hawak kang baril na ipuputok mo lang. Kaya ngayon sobrang aware na ako, nakikita ko na ‘yung mali. “

Ani Rhen natakot siya noong nakahawak at nakapagputok siya ng baril. “Noong tin-ry ko parang ayaw ko na kasi nakakatakot siya (baril). Kasi kapag ipinutok mo ‘yung baril kapag wala kang tamang kontrol pwede siyang bumalik sa iyo o kung saan tumama. Roon nga sa ceiling nga ng gun firing maraming bullet holes.”

At hindi niya na-enjoy ang pag-gun-firing. “Nakakatakot talaga siya, as in grabe. Pero surprisingly ang unang pagputok ko ay naka-bulls eye ako. I think tsamba lang iyon. At sabi nila may mata ako, sabi ko ‘okey,’ pero hindi ko siya gagawin forever and hindi siya for me.

“Will never forget ilang beses akong umiyak kase akala ko ‘di ko kaya.”

Pero iginiit ni Rhen na gagawa muli siya ng action movie. “Yes, uulit pa akong gumawa ng action, 100 percent yes. ‘Yun ang hinahanap ng katawan ko, ng dugo ko, ‘yung nahihirapan ako, ‘yung matsa-challenge talaga ako. The more the nahihirapan ako, iniiyakan ko siya, may natututunan ako, ‘yun ang mga gusto kong gawin,” sabi pa ni Rhen.

At surprisingly, hindi o walang sexy scene si Rhen sa pelikula. “Totally different image kaya nga nagulat ako nang i-offer ito sa akin. At agad nilinaw sa akin ni direk na walang sexy akong gagawin.” Na ikinatuwa naman ni Rhen dahil gusto na niyang umalis sa ganoong genre pero nilinaw niyang sakaling mayroong mga sexy scene pang ipagagawa sa kanya sa mga future project na talagang kailangan ay gagawin pa rin naman niya.

Sinasabing Hollywood level ang pelikulang Karma na base sa aming nakita, pwede. Nasobrahan lamang kami sa mga eksenang drama ni Rhen. Pero sa action, pasado siya.

Naku baka mag-expect (Hollywood level).

“Pero so far, wala na tayong mapapanood na ganito kalaki. Ang laki ng budget, ang laki ng production, ang laki ng ginawa nila. Makikita naman nila sa shots, location, and malaki talaga siya,” pagmamalaki pa ni Rhen.

Ginagampanan ni Rhen ang papel ni Angel, isang assassin na puno ng poot at pangungulila. Lumaki siyang gustong ipagtanggol ang mga inaabuso, hanggang sa dumating sa punto na aksidente siyang nakapatay ng lalaking nagnakaw sa isang mag-ama.

Si Sid ang kapareha ni Rhen na ang papel ay si iskolar o si Rommel. Tulad ni Angel, naging hitman siya sa organisasyon ni Chief (Roi) nang napasubo ito sa madugong labanan sa isang gang. Magkapatid ang turingan nina Rommel at Angel. Pareho silang magaling sa kanilang trabaho kahit hindi talaga gusto ni Rommel ang pumatay.  

Maliban sa pelikulang ito, magkasama rin sina Rhen at Sid sa teleseryeng Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka sa Lupa sa TV5.

Bilang paghahanda sa kanyang papel, dumaan sa fight and gun training si Escaño. Pinakita niya ito sa kanyang social media account na may caption na: “

Kasama rin sa Karma sina  Leandro Baldemor at Mon Confiado.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …