SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung ano ang kasunod ng matagumpay na D10 concert niya sa Araneta Coliseum kamakailan. Sagot nito, ayaw muna niya at magpapahinga muna.
Sobra yatang napagod si Darren sa kanyang D10 concert kaya naman nasabi niyang ayaw na niyang mag-concert pa.
Ang D10 Concert ay selebrasyon ng ika-sampung taon sa industriya ng tinaguriang Asia’s Pop Hearthrob na si Darren.
Ten years ago, nakilala si Darren sa The Voice Kids Philippines Season 1 at ngayo’y kilala na bilang isa sa mga magagaling na performers at isa sa pride ng Star Magic sa international stage.
Pagbabalik-tanaw sa kanyang naging journey at napuno ng fans, celebrity guests, at
mga kaibigan ang kanyang sold-out concert.
Sa konsiyerto, ipinamalas ni Darren ang kanyang talent at discography. Kasama sa setlist ng concert ang kanyang mga track mula sa kanyang debut album tulad ng Stuck at In Love, Ako Sa ’Yo hanggang sa trending cover niya ng Dying Inside to Hold You.
Isa rin sa ikinasaya ng fans ang mga collaboration ng gabing iyon. Kasama sa mga espesyal na bisita na naka-duet ni Darren ay ang mga taong nakasama niya noong siya ay 13 years old pa lamang sa The Voice Kids—ang kanyang TVK coach na si Sarah Geronimo, at co-finalist na si Lyca Gairanod.
Dagdag pa rito, nakasama rin niya ang mga kilalang OPM artists, tulad nina Erik Santos, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano.
“I was just so happy to be with them, kasi itong mga artist na ito are people I look up to ever since I was a kid. Walang dalawang-isip na mag-guest sa concert ko,” pagbabahagi ni Darren sa isang mediacon ng Star Magic kamakailan.
Para kay Darren, ang solo concert niyang ito ay isang ‘dream come true’. “Tagal ko nang hinintay itong moment na ito. We’ve done several special events sa Araneta before, pero iba pala talaga kapag alam mong sarili mong show,” sabi pa ni Darren.
Naging bahagi si Darren sa pamilya ng It’s Showtime bilang isa sa mga regular host na kasama niya sina Vice Ganda at Ogie.
“Si Ate Vice, isa sa mga sumusuporta sa career ko ever since ‘The Voice Kids.’ Lagi siyang andiyan, giving tips, not only for my career but also for my personal life. I want her to be part of my 10th anniversary kasi part siya ng journey ko,” pagbabahagi pa ni Darren.
Nang tanungin kung paano niya pinagsasabay-sabay ang lahat ng trabaho niya, ani
Darren, “It’s nice to have a routine at ‘yun ‘yung pang-start ko ng araw ko. ‘Showtime’ muna at saka ako magre-rehearse. Pagdating ko sa rehearsals, ‘yung adrenaline ko andoon na kaagad. Nakatulong siya to prepare me for the day and calm my nerves.”
May karanasan din si Darren sa pag-arte, gaya ng recent role niya na si Stephen Tanhueco sa teleseryeng Can’t Buy Me Love. Ang kanyang character ang naging ka-love triangle ng tambalang Caroline (na ginampanan ni Belle Mariano) at Bingo (na ginanapan ni Donny Pangilinan).
Naibahagi rin ni Darren ang ukol sa mga susunod niyang projects at mga wish niyang makatrabaho. Kabilang dito sina Martin Nievera at Regine Velasquez.
Nagbigay din ng patikim si Darren para sa kanyang fans tungkol sa mga susunod pa na dapat abangan sa kanya.
“One of those things is recording as we’re finishing my first album under Star Music and to have a performance in the global stage, tulad ng ginawa ko dati sa ‘Singer 2019,’ and of course, ‘Showtime’ araw-araw,” ani Darren.
Maituturing na pambato si Darren ng Star Magic dahil sa kanyang talento at tiyak
marami pa siyang mararating at maa-achieve bilang isang actor at performer.