Monday , May 12 2025
gun QC

Niratrat sa QC
RIDER TODAS, 2 KAPITBAHAY SUGATAN 

TODAS ang 44-anyos delivery rider habang dalawa  ang sugatan matapos pagbabarilin ng ‘di kilalang lalaki sa Quezon City nitong Martes ng madaling araw.

Dead on arrival sa Maclang Hospital ang biktimang si Gerardo Ebron Obiso, 44, delivery rider, residente sa Litex Road, Brgy. Commonwealth, sanhi ng tama ng bala ng  baril sa dibdib, tiyan, at kanang balikat.

Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang dalawa pang biktima na sina  Aljon Obiso Abad, 29 at Jericho Panas Ora, 26, parehong kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, nangyari ang  insidente dakong 1:00 am kahapon, 18 Hunoy, sa Purok 5, Litex Road, Brgy. Commonwealth.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang  pagtatalo ang mga biktima at ang suspek pero agad naawat.

Umalis ang suspek pero makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito na armado ng baril at walang habas na pinaputukan ang mga biktima saka mabilis na tumakas.

Nasamsam ng SOCO team sa crime scene ang nasa pitong basyo ng kalibre .45 baril at isang  metallic jacket.

Inaalam ng pulisya  kung may mga CCTV sa lugar na maaaring makatulong  sa pagtukoy sa  suspek at sa motibo ng pamamaril. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …