Wednesday , December 18 2024
Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

NAG-ALOK ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng scholarship sa 145 Navoteño elementary at high school students na mahuhusay sa sports.

Kabilang sa mga bagong scholars ang 38 Navotas Division Palaro champions sa athletics, 24 sa swimming, 21 sa taekwondo, 18 sa arnis, at 16 sa badminton.

Kasama ang 11 medalists sa table tennis, 10 sa pencak silat, seven sa chess, at siyam sa arnis.

Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Navotas Schools Division Office Superintendent Dr. Meliton P. Zurbano, mga scholars, at kanilang mga magulang o guardians, ang memorandum of agreement (MOA) para sa NavotaAs Athletic Scholarship Program.

“This achievement is a testament to your perseverance and dedication in your chosen sports. I encourage you to continue honing your skills and talents, and at the same time, strive hard in your studies to maintain your grades,” ani Mayor Tiangco.

Ang mga athletic scholars ay tatanggap ng P16,500 transportation at food allowance, at P1,500 para sa kanilang uniform at mga gamit kada scholarship term.

Makakukuha rin sila ng libreng training sa mga coaches na kinuha ng pamahalaang lungsod at tulong sa pagsali sa mga kompetisyon.

               Ang kanilang scholarship ay maaaring i-renew taon-taon kung sila ay mananalo ng hindi bababa sa ikatlong puwesto o katumbas nito sa regional o national sports competitions, dumalo sa lahat ng kailangan at nakatakdang pagsasanay, at mapanatili ang kanilang mga grado sa paaralan.

“Your success is the success of the entire Navotas community. Keep striving and dreaming. With your determination, you can achieve your dreams,” dagdag ni Tiangco.

Ang pamahalaang lungsod ay nagbibigay din ng scholarships sa mga estudyanteng nagpapakita ng outstanding academic performance at artistic talent, at sa mga anak o mga kaanak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk.

Bahagi ang MOA signing ceremony ng pagdiriwang ng 17th Navotas cityhood anniversary. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Lito Lapid Coco Martin

Coco pag-isipang mabuti pagpasok sa politika

HATAWANni Ed de Leon KINUKUMBINSI raw ni Lito Lapid si Coco Martin na pumasok sa politika. Paanong papasok si …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …