MAHIGIT 300 miyembro ng TiboQC Federation ang inaasahang lalahok sa Pride March sa lungsod sa Sabado, 22 Hunyo 2024.
Nitong Martes, inilunsad ang TiboQC (Bukluran ng mga Samahang LBQT ng Quezon City) kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month nitong Lunes sa lungsod.
Ito ay bilang pagtugon sa underrepresentation ng mga lesbians, bisexual women, queer individuals, and transmen (LBQT) sa loob ng mas malawak na LGBTQIA+ community.
“TiboQC is a federation of LBQT organizations across Quezon City, consolidating groups from all six districts. This launch marks a crucial step towards amplifying LBQT voices and ensuring greater representation,” pahayag ni Anne Lim, lead convener ng TiboQC at Executive Director ng GALANG Philippines.
Ang launching event ng TiboQC ay ginanap sa Quezon City Hall, kasabay ng panunumpa ng mga conveners ng federation kay Mayor Joy Belmonte, kilalang tagapagtaguyod ng LGBTQIA+ community.
Hinikayat ni Lim ang mas malawak na pakikilahok sa kanilang organisasyon.
“We invite everyone to join us as the TiboQC Federation marches for the first time,” hikayat ng lead convener ng TiboQC. (ALMAR DANGUILAN)