Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dr RMU Roma Ulama Claudine Barretto

Dr RMU ng Cebu at talent ng Entablado excited makatrabaho si Claudine

SOBRANG excited at masayang-masaya ang doktor na expert sa non-surgical beauty enhancements sa pagkakasama niya sa pelikulang Sinag na idinidirehe ni Elaine Crisostomo at pinagbibidahan ni Claudine Barretto.

And tinutukoy namin ay si Dr. Roma Ulama, Medical Director at Founder of RMU Aesthetic Clinic sa Cebu.

First time aarte ni Doc Roma kaya naman ganoon na lamang ang kanyang excitement lalo’t makakasama niya ang isa sa magagaling na aktres, si Claudine.

Aniya, “naku sa excitement ko kahit mag-fly ako araw-araw from Cebu to Manila (para makapag-shoot).”

Gagampanan ni Doc Roma ang role ng Diwata ng Bukal kaya asahan ang madalas na eksena nila ni Claudine na pinaka-reyna nilang mga diwata.

Ayon kay direk Elaine, manager ni Doc Roma at founder ng Entablado Talent  Management, tiyak na masusundan pa ang pag-arte ng kilala at sikat na non-surgical beauty enhancement dahil marami pa siyang proyektong nakalinya at kasama ang naturang doktor.

Sinabi pa ni direk Elaine na walang kaarte-arte ang magaling na doktora kahit pinalusong niya ito sa batis.

At kahit busy ang doctora, excited siya na maka-eksena si Claudine, sabi pa ng doktora.

Samantala, kung walang shooting, abala si Doc Roma sa kanyang dalawang clinic sa Cebu. Si Dr RMU ay well known nga sa kanyang expertise sa non-surgical beauty enhancements gamit ang fillers, botox, threads, lasers, injectables at iba pa. Sa kanya rin nagpupunta ang mga gustong magpa-enhance ng kanilang mukha gamit ang non-surgical na pamamaraan.  

At dahil sa dedication sa kanyang trabaho at pina-priority ang patient satisfaction, mabilis na nakilala at sumikat ang pangalan ni Dr RMU gayundin ang clinic nito sa mga Cebuano at sa mga kalapit lugar at probinsiya ng Cebu.

‘Ika nga nila, ang clinic ni Dr RMU ay kilala bilang HOME OF THE BEST injector. 

Ang Sinag film is nagsimulang mag-shooting noong May 28 sa Nasugbu, Batangas. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …