Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na mayroon na siyang mga lalaking naka-MU o mutual understanding. Pero hindi niya pinangalanan king sino-sino ang mga iyon. 

Lahat daw ay hindi nag-level up sa mas seryosong relasyon dahil sa nadiskubre niyang mga red flags. 

Ka-mutual understanding lang talaga sa akin, laging ganoon lang. Lagi akong nandoon sa, feeling ko sasagutin ko na dapat siya pero biglang, ‘Ooops, wait lang,’” sabi ni Sanya.

Pero ano-ano nga ang dahilan ng kanyang pag-urong, “Medyo kapag nagiging masaya na ako masyado, ipinagpe-pray ko na ‘yan.Then after kong mag-pray, nakikita ko na agad ‘yung mga red flag, lumalabas ang red flags niya.”

Mga demanding din daw ang mga lalaking naka-MU niya kaya nate-turn off na siya agad at hindi na umaabot pa sa pagbibigay niya ng kanyang matamis na oo.

Laging ‘yun ang demand niya sa akin, time. Na ‘You don’t have time for me, parang lagi ka na lang work. Work, work, work.’

“Part of it, feeling ko fault ko rin naman talaga na hindi ko mabigyan ‘yung isang tao ng oras because may mga pina-priority ako,” aniya pa.

Ngunit para kay Sanya, “If you really love someone, maiintindihan mo naman siguro ‘yung sitwasyon ko. And madalas kasi nagiging issue lang naman sa amin pareho is that hindi nila naa-appreciate ‘yung oras na ibinibigay ko sa kanila.”

Ano naman ang pananaw niya tungkol sa pakikipag-date ngayon. “Sadly ang nangyayari sa generation now, ‘yung dating is just like a normal na puwede kang makipag-date kung kani-kanino, nagiging normal na sa atin ‘yung mga dapat hindi natin ginagawa.

“Ang hirap makahanap ng true love. That’s why natatakot ako pumasok sa relasyon, kasi feeling ko may seseryoso ba sa seryosong katulad ko?” 

Samantala, naikuwento rin ni Sanya ang tungkol sa stalker niya noon, “Nakakatakot siya. May moment na, hindi ko alam kung nanghuhula lang ba, ang galing niya kung paano…‘Nandito ka ano?’ Parang may ganoon. Nakatatakot lang kasi, chat lang naman siya though.

“Anytime, ‘May camera ba rito?’ Nakakapraning din minsan na parang, kunwari nasa labas ako, alam niya. ‘Nandito ka pala,’” kuwento pa ni Sanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …