Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

RR nag-sorry sa dating GF ni Jayjay: Siyempre bata parang ‘di ka nag-iisip

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni RR Enriquez sa Fast Talk With Boy Abunda, Inamin niya na hindi siya selosang tao pero talagang inaaway niya ang mga babaeng lumalandi at nakikipag-flirt sa kanyang asawang cager na si Jayjay Helterbrand.

Ayon pa kay RR, talagang playboy noon ang kanyang mister at kasabay ng rebelasyong inagaw niya ang basketball player sa dati nitong girlfriend.

“Kasi si Jayjay, talaga aminado naman siya ma playboy talaga siya. Before niya ako naging girlfriend mayroon siyang girlfriend talaga. So we were a thing,” sey ni RR.

At kahit magkarelasyon na sila ay may pagkakataon pa ring nag-cheat si Jayjay kaya nasabi ni RR na iyon na raw ang kanyang karma sa pang-aahas na ginawa niya. Pero bilang palaban at wala ring inuurungan, hindi pinalampas ni RR  ang mga babaeng nagme-message at nagpaparamdam kay Jayjay.

“Marami akong na-message na mga babae. Talagang inaaway ko parang nag-e-enjoy ako. Ha-hahaha!” aniya pa.

Pero napakalaki ng naging pagbabago sa ugali at pananaw sa buhay ng kanyang asawa nang mapalapit ito sa Diyos.

“‘Yung first two years namin Tito Boy medyo rocky ‘yung relationship namin. Tapos naging Christian si Jayjay. Kaya nagtagal kami ng 15 years kasi sobrang tumino naman. Hindi nambababae,” pagbabahagi pa ni RR.

“Ako naman ‘yung parang naghahanap ng kaaway!” ang natatawa pang hirit ng socmed personality.

Marami ring nagbago sa kanya nang maging Kristiyano at ito rin ang naging daan para maisip niyang humingi ng sorry sa dating girlfriend ni Jayjay.

In fact, okay na okay at friends na sila ngayon ng ex ni Jayjay, “Yes, I apologized kasi siyempre bata, ‘di ba parang bata hindi ka nag-iisip.

“Naagawan kasi ako ng jowa dati Tito Boy. Kaya sabi ko, ‘Ah ganoon, ah? Agawan pala ng jowa ang mangyayari, ah.’

“So ganoon po ginagawa ko dati. Hindi ako proud pero ganoon po ‘yung thinking ko,” rebelasyon pa ni RR.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …