Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang ito.”

Ito ang pagbuod ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sa pakikipagkita nito kay Pope Francis noong bumisita siya sa Vatican kamakailan.

Nakita ni Zubiri—na isang debotong Katoliko—ang Santo Papa noong lingguhang katekismo nito, na nag-aalay din siya ng mga dasal para sa kapayapaang pandaigdig.

Ang Pilipinas ang huling bansa sa mundo na hindi kumikilala sa diborsyo. Isang panukalang magsasabatas ng diborsyo na naaprubahan na ng Kamara.

“Ipinagdasal namin ang ating mahal na bansa at ang ating mga lider, na sana ay maliwanagan palagi sa tamang desisyon, kahit hindi ito ang popular na desisyon,” ani Zubiri. Dati na niyang nasabi na bukas siya sa diskusyon, pero malakas ang kanyang paniniwala sa kabanalan at katibayan ng kasal.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang senador na maipakilala ang kanyang pamilya sa Santo Papa. Ilan lamang sila sa mga piling bisita na nabigyan ng pagkakataon na makilala at makatanggap ng personal na basbas mula sa Santo Papa.

“Bilang Katoliko at Kristiyano, greatest honor of my life na makita ang ating Santo Papa na si Lolo Kiko, lalo na at nakasama pa namin ang aming mga anak,” sabi ni Zubiri, na may tatlong batang anak sa kanyang asawang si Audrey.

Si Zubiri ay nasa Europa para magkaroon ng “short sabbatical away from politics,” at para makasama ang kanyang pamilya para sa “long-promised quality time.”

First time ito in two years na nagkaroon ako ng pagkakataon na ibigay ang buong atensiyon ko sa aking pamilya, kaya talagang gusto kong ipasyal sila para sa aming family time—all on my personal expense, of course,” sabi ng senador.

“Napakahalaga sa aming pamilya ang aming Catholic faith, kaya very humbling na matanggap ang oras at atensyon ng Santo Papa. Mukhang natuwa pa siya sa bunso namin, na sinabihan pa niyang mag-aral ng Spanish.”

Sa kanilang pagkikita, ipinaliwanag ni Zubiri sa Santo Papa na isa siyang pro-life at pro-family na mambabatas mula sa Pilipinas. Sagot ng Santo Papa, “please protect the family.”

“Napaka-special ni Lolo Kiko sa ating mga PFlipino, at na-feel ko na special din tayo sa kanyang puso, bilang isa sa mga pinaka-Katolikong bansa sa mundo,” sabi ni Zubiri.

“Palagi kong tatandaan ang kanyang paalala, at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para protektahan ang mga family values na pundasyon ng ating bansa.”

Kasama nina Zubiri sa kanilang pagbisita ang Philippine Ambassador to the Holy See na si Ambassador Myla Grace Ragenia Macahilig. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …